^

PSN Showbiz

Jennylyn at Dennis, sinehan ang target

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jennylyn at Dennis, sinehan ang target
Jennylyn Mercado at Dennis Trillo

Mayroon ng sariling production company sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo. Ayon sa aktres ay naisipan nilang mag-asawa na magkaroon ng negosyo na talagang malapit sa kanilang puso. “Sa loob ng 20 years, nakita kung paano ang galawan sa industriya. So, kami ngayon, naisip namin na bakit hindi tayo mag-produce? Kasi isa ‘yon sa mga passion namin ni Dennis eh. Lalo na kapag may mga project na pumapasok. Gusto natin ng magandang script, gusto natin ‘yung production na gagawa ng pelikula namin ay maayos, maganda ‘yung release,” pagbabahagi ni Jennylyn.

Umaasa ang aktres na makakagawa ng maraming pelikula sa Brightburn Entertainment na kanilang production house. Nangangarap si Jennylyn na hindi lamang sa mga sinehan ipalalabas ang kanilang gagawing proyekto pero pati na rin sa iba’t ibang streaming platforms. “Sa pagiging meticulous namin, gusto naming ilatag ‘yon doon sa production namin. Gusto naming i-apply lahat ng mga kaalaman doon sa production namin. So, nag-decide kami na gumawa ng quality films, magandang script, magaling ‘yung writer, maganda rin’yung platform kung saan kami ilalabas. Kaya nag-decide kami na gumawa ng sarili naming production house,” paglalahad ng Kapuso actress.

Ayon kay Jennylyn ay hindi nangangahulugang titigil na sa paggawa ng mga proyekto sa ibang production company. Suportado umano ng GMA Network ang bagong negosyo nina Dennis at Jennylyn. “Oo naman sobrang suportado kami ng aming network. Soon ia-announce namin ang aming first project and excited kami doon. Siyempre hindi naman doon magsasara na hindi na kami pwedeng gumawa sa iba. Gagawa pa rin naman kami sa iba pero siyempre, gusto naming makagawa ng quality na pelikula,” giit ng aktres.

Royce, nabigatan sa ginawang pelikula

Naipalabas na sa mga sinehan kamakailan ang pelikulang Marupok AF na pinagbibidahan nina Maris Racal, EJ Jallorina, at Royce Cabrera. Kasagsagan pa raw ng pandemya nang gawin ang naturang LGBT thriller movie ayon kay Royce. “Talagang ang hirap mag-shoot sa labas and ang daming tao. Tapos parang may eksena kami ni EJ do’n na may biglang pumasok para mag-picture. Akala nila nakatambay lang kami do’n. Memorable sa akin, na parang sa kabila nang lahat ng mga ganoong nangyari ay natapos namin ‘yung movie at nagawa namin ‘yung masasabi kong napakagandang pelikula talaga. Medyo mabigat ‘yung topic sa pelikula na ito, pero ‘yon din ‘yung gusto naming makita ng mga tao,” pagdede­talye ni Royce.

Bago pa magkaroon ng theatrical release ay nakalahok na sa iba’t ibang festival ang pelikula noong isang taon. Isang malaking karangalan para kay Royce na mapabilang sa naturang proyekto. “Happy ako na maganda ‘yung feedback na nakarating sa amin sa mga performance namin. As an actor, talagang privilege ‘yon para sa amin na makakuha ng gano’ng feedback. Pero siyempre sa isang pelikula, alam naman natin na dapat entertaining din siya. As a viewer, kailangang ma-entertain din tayo and aside sa ma-entertain tayo, kailangang makita din natin ‘yung message ng pelikula,” giit ng aktor.

Para kay Royce ay talagang malapit sa katotohanan ang tema at istorya ng pelikula. Umaasa ang aktor na makapagbibigay ng aral sa mga manonood ang Marupok AF. “Kumbaga marinig sa inyo ‘yung take n’yo sa film and sa mga kanya-kanyang point of view ng mga tao dito kasi totoo sila eh. Hindi naman namin inimbento lang ito. Kasi based talaga ito sa totoong buhay na nangyari. Sa pamamagitan nito, sana maihatid din namin ‘yung message na gusto iparating ng film. Hindi lang ‘yung basta mahusgahan nang ganito, ganyan. ‘Yon sana ‘yung aim na gusto naming makuha. Sana maipakita sa viewers,” pagtatapos ng binata. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

DENNIS TRILLO

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with