‘Pagiging heartbroken ni Janice, relate much ako’
Nararamdaman ko ang lungkot at sakit sa pinagdaraanan ni Janice de Belen sa pagkamatay ng kanyang alagang aso.
Nakita ko nga ang post ni Janice at lungkot na lungkot siya. “I AM SO HEARTBROKEN...I LOVE YOU BABY ADAM...I WILL MISS YOU SO MUCH...,” sabi niya.
Relate much ako sa kanyang pinagdaraanan. Ganundin ako kaheartbroke pag may namamatay akong alaga. Apektado talaga ako emotionally. Hindi madali.
Para kang namatayan ng mahal sa buhay.
Ganun kasakit, ipagluluksa mo talaga.
Kung makikita ko lang si Janice, yayakapin ko siya nang mahigpit na mahigpit para mabawasan ang kanyang lungkot.
Ang dami kong alagang aso.
Parang umabot noon ng mahigit sa 100. At sa totoo lang magastos.
Pero marami na ang tumanda at namatay. Marami na ang nauna sa akin.
Ngayon, mahigit 30 na lang ang mga alaga ko. Matatanda na rin ang iba.
At kahit may mga nagbibigay sa akin, hindi ko na tinatanggap. Hindi ko na rin naman maaalagaan dahil sabi ko nga, I live by the day.
May araw na mahina ako at gusto ko lang mahiga at may araw namang malakas ako kaya rumarampa ako.
Ganun talaga. Sa edad kong 77 siyempre given na hindi na katulad ng dati ang lakas ng katawan ko sa kasalukuyan lalo na nga at kailangan kong mag-dialysis ng twice a week na sa totoo lang ay hindi naman talaga madali dahil apat na oras kang kailangang magtiis habang nililinis ang mga dumi sa aking dugo.
Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil nagawa ko na ang lahat ng mga pangarap ko sa buhay ko.
Wala na akong mahihiling pa at pulos pasasalamat na lang ang ginagawa ko sa kasalukuyan.
Sensya na kayo nalungkot kasi ako sa aso ni Janice kaya nakapag-emote tuloy ako.
Hahaha. Oh siya babu na.
- Latest