^

PSN Showbiz

Marian at Dingdong, Chiz at Heart panalo ang power sa GMA Gala; Gabbi mukhang Miss Universe

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Marian at Dingdong, Chiz at Heart panalo ang power sa GMA Gala; Gabbi mukhang Miss Universe
Marian, Dingdong, Heart at Chiz
STAR/File

Back to friends na nga sina Marian Rivera and Heart Evangelista. Nakita ito sa GMA Gala nung isang gabi na ginanap sa Marriott Grand Ballroom.

Hindi lihim sa showbiz ang nakaraan nila kumbaga.

Bagama’t hindi nila ini-elaborate kung ano ‘yun o nagbigay ng detalye sa pinag-umpisahan ng intriga, hindi na ‘yun naungkat ngayon.

Wala rin naman silang sinabing masama sa isa’t isa kaya ang daming pumuri na sanib-pwersa ang dalawang reyna ng GMA 7.

Anyway, sa Instagram, ibinahagi ng Kapuso Primetime King and Queen ang isang cinematic reel na patunay ng kanilang todong on and off-screen chemistry.

Makikita sa video sina Marian at Dingdong sa isang rewind loop, na nagsimula sa isang steamy bed scene na sinundan ng backward motion ng pagsusuot ng kanilang mga outfit para sa GMA Gala 2024.

“Rendezvous,” lang ang caption ni Marian sa video.

Sa comments section, napa-“Wow” si Heart, na sinagot ni Marian ng, “See you again soon.”

As always, iba ang dating ni Marian sa black gown with silver floral accents by Nicole + Felicia kasama si Dingdong suot ang classic black suit and a bow tie by Stefano Ricci.

Isa naman si Heart sa mga inabangan sa nasabing event na suot ang Giambattista Valli couture na isang white gown na may mga gem at may floral accent sa leeg.

Sinamahan ang Global Fashion Icon ng kanyang asawa, si Se­nate President Chiz Escudero, na naka-black suit at bow tie na gawa ni Michael Leyva.

Marami namang napahanga sa Millennial It Girl Gabbi Garcia sa kanyang Rick Owens gown. Kakaiba, pero pang-Miss Universe ang naging dating niya. Aniya sa post “Supernova. Wearing Rick Owens Fall/Winter ‘22.”

Pero ba’t kaya si Bea Alonzo, balot na balot sa puting gown na may accent sa may bandang hips. Hindi tuloy siya gaanong napansin dahil long sleeve na, turtle neck pa. Sayang naman na pumayat pero binalot naman siya.

vuukle comment

GMA GALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with