^

PSN Showbiz

Marian nakuha ang para sa sarili, hindi nag-aalala sa edad

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Marian nakuha ang para sa sarili, hindi nag-aalala sa edad
Kath, Marian at Ryan
STAR/File

Speaking of Marian, “Thank you Lord” ang sagot ng aktres sa tanong kung nabibilang pa ba niya ang mga ini-endorse niya.

Pansin nila kasi parang lahat na ng bahagi ng katawan niya, may endorsement? Napakaswerte.

“Oo naman, oo naman. Kapag naiisip ko rin iyan sinasabi ko talaga na thank you Lord sa lahat ng blessings talaga. Sobrang grateful talaga ako sa kung ano man nangyayari sa buhay ko. At 40 ha this coming August,” aniya sa ginanap na media launching ng NekoCee vitamin C by Kath Melendez.

Hindi rin niya nararamdamang 40 na siya.

“Okay lang, wala namang masama sa pagiging 40. Tapos may dalawang anak pa ako.”

Masasabi ba niyang wala na siyang mahihiling pa sa kasalukuyan?

“Actually ang lahat namang ito ay ginagawa ko at siguro for sure si Dong ‘yun din ang sasabihin niya para sa mga anak talaga namin. Siguro bonus na lang para sa aming mag-asawa. Pero bilang isang magulang, wala ka naman gustong at hangad mo sa mga anak mo na maging maganda ‘yung buhay nila,” sagot niya sa mga andung entertainment media.

Pero sa sarili niya, sa ngayon nakuha na rin ba niya?

“Parang nasagot na nga iyan ng (Cinemalaya movie) Balota eh. Kasi sabi ko sa ginagawa ko in showbiz parang soap opera, mga pelikula. Pero hindi ako nabigyan ng chance na makalabas sa box ko o kung dun sa... alam mo ‘yun, sa comfort zone ko. Parang ito dahil sa Balota, nabigyan nila ako ng chance na ibigay ‘baga sa akin ‘yung hindi ko pa nagagawa,” pahayag niya pa noong Friday.

Ano ‘yung sobrang nakaka-excite sa’yo sa Balota?

“No filter talaga lahat eh. ‘Pag sinabi kong no filter, itsura, lines at mga ginagawa, lahat talaga, raw.”

Deglamorized siya sa pelikula, na ngayon lang niya nagawa, bilang isang teacher.

“Ayun nga ‘yung gusto ko para something new naman for me. Kasi gusto ko talaga ‘yung something iba na hindi ko nagagawa. So ito iyon ginawa ng Balota.”

Dahil dyan, nagkapasa-pasa ka, peklat, sugat etc.?

“Oo, pero gagaling naman ‘yan. Okay lang ‘yan.”

May ganun talaga kahirap na mga eksena?

“Ang dami kasing mga eksena, baka masyado na akong nagbibigyan ng information. Actually sa tambayan kung sumusunod kayo sa aking feed doon, medyo nag-share ako ng tatlong pictures lang naman ng mga nangyari sa ‘kin doon pero tatlong picture lang pero napakarami pa nu’n.”

Ibang-ibang talaga ‘to? “Pagkatapos ng Rewind, ang dami nilang napulot na aral. Sa bawat pupuntahan ko, parang ‘yun ang sinasabi nila about Rewind. Alam mo ba may wake up call para sa akin, pinuntahan ko ‘yung nanay ko, parang ang daming ganun. Parang sabi ko, sa sarili ko, ang gandang gumawa ng isang pelikula na paglabas ng sinehan, may matutunan sila, kumbaga may makukuha sila. Dito sa Balota, ganundin ang mangyayari sa kanila.”

Aniya kahit mismong siya, maraming nakuha.

“Kasi parang akala mo lang, ikaw mag-isa ka, parang feeling mo ‘yung boto mo, wala lang dahil mag-isa ka pero hindi. Dahil sa oras na mga botohan, parang lahat tayo pantay-pantay ‘yung boses natin, na kailangan talaga.”

Hindi pa niya napapanood nang buo ang pinaghirapang pelikula. Gusto raw niya sa big screen na.

Ipinakita sa teaser nito kung paanong ‘buwis-buhay’ ang nagagawa ng isang guro tuwing magkakaroon ng eleksyon.

Nauna na ngang napuri sa Marian ng kanilang direktor, si Kip Oebanda: “She’s very daring when it comes to what she’s willing to do physically. Umakyat ng puno, pumunta sa mga ugat-ugat ng puno na putik-putik, nasugatan, nadapa.”

Mas pinili rin daw gamitin ng aktres ang actual 2007 ballot box, kung saan niya nakuha halos lahat ng sugat at galos sa buong pelikula.

Samantala, aminado si Marian na ma-vitamins siya lalo na nga turning 40 na siya. “Oo eh, hindi pwedeng hindi. Sa trabahong ito ang kailangan talaga, ang pundasyon mo talaga ay bitamina, vitamins talaga.”

Kaya naman impressed sa kanya si Kath Melendez, ang owner ng NekoCee vitamin C. “Every time na nakikita ko si Miss Marian, nai-starstruck talaga ako. Natutulala ako sa kanya. Kaya nagpapasalamat talaga ako sa kanya na pinagkatiwalaan niya kami, na tinanggap niya ang product namin.

“Alam naman natin si Miss Marian, na very professional siyang magtrabaho, na sinasapuso talaga niya ang work niya! Na kapag kaya talaga niya, ginagawa talaga niya,” sabi pa ni Kath na pretty and sexy rin.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with