^

PSN Showbiz

Kobe, tinanggi si Kyline!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kobe, tinanggi si Kyline!
Kyline Alcantara
STAR/File

Nagsalita na ang anak ni Benjie Paras na si Kobe Paras tungkol sa relasyon nila ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara.

Dumalo ang basketball player sa GMA Gala 2024 kasama ang kapatid na si Andre at sinabing naimbitahan siya last minute. Doon nga siya natanong ng GMA News Online tungkol sa real score sa kanila.

“We are great friends,” sagot nito. Hindi pa raw niya tinatanong kung gusto na ba ng ex ni Mavy Legaspi na ma­ging girlfriend niya. “Bakit girlfriend agad? Nagtanong na ba ako?” dagdag nito.

“We are just great friends right now, really close friends,” pagdiin nito sa relasyon nila.

Kaya tanong ng netizens, na-friendzone raw ba si Kyline?

Isa nga raw lang siyang fan ng gabi na iyon. “For tonight im just a boy who’s a fan,” at ito raw ang unang beses na rumampa mag-isa at deserve raw nito ang bawat spotlight.

Kamakailan nga ay nakitang dumalo ang dalaga sa opening ng bagong tattoo studio ni Kobe kung saan makikita ang pagiging close nila at tila hinalikan pa nito sa noo si Kyline.

Ilang beses silang nakitang magkasama at magka-holding hands din.

Kaya naman hindi naniwala ang netizens sa sinabi ni Kobe dahil gasgas na raw ang ‘we’re just friends’ sa showbiz.

Iba na nga raw talaga ang panahon ngayon na sweet sa isa’t isa pero walang label o tinatawag nilang situationship sa mga Gen Z.

Pero depensa naman ng iba baka nga naman pinoprotektahan lang nito si Kyline at iwas intriga na rin.

Bongga.

vuukle comment

KYLINE ALCANTARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with