^

PSN Showbiz

Herlene nadapa, nahulog; Barbie nagtatakbo

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Herlene nadapa, nahulog; Barbie nagtatakbo
Herlene Budol
STAR/File

Bea, napagkamalang may ‘floater’ ang suot na gown

Hanggang kahapon ay trending pa rin ang hashtag na #GMAGala2024 na dinaluhan ng big personalities sa telebisyon at pelikula.

Hindi lang Kapuso stars, kundi pati Kapamilya stars na pinangunahan siyempre ng grupo ng It’s Showtime.

Agaw-pansin nga si Enchong Dee na isa sa hosts sa PBB na nagsimula rin nung gabing ‘yun, pero nakadalo pa siya sa naturang Gala night. Ang guwapo niya at nangibabaw ang pearl-studded niyang black suit.

Pero sabi nga nila, baka magkatotoo ‘yung isang tsismis na mapapanood na rin sa GMA 7 ang PBB ng Kapamilya channel.

Kagaya ng inaasahan, winner pa rin ang power couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera nung gabing ‘yun. Napaka-classic ng look, at “Handsome couple” ang comment ng ilang fashionistang napagtanungan namin.

Ang dami ring natuwa sa kuhang magkasama sina Marian at Heart Evangelista na napakaganda rin nung gabing ‘yun.

Siyempre ang ganda ng dating ng Giambattis Valli couture gown na suot ni Heart. Kaya parang bumagets tuloy si Senate President Chiz Escudero na escort niya.

Ang gandang tingnan sa isang picture sina Marian, Heart at Bea Alonzo na maganda rin nung gabing ‘yun.

Pero iba-iba ang komento ng ilang napagtanungan ko sa suot na gown ni Bea.

Sabi ng isang fashionistang friend ko, “Polarizing ang look ni Bea. Half of us, loved the unconventional shape of her gown.

“Some said, they were reminded of a lamp, others throw pillow and one even mentioned baka raw may baha kaya ‘di natanggal ang floa­ters.”

Pero ang pinakagusto nila ay si Julie Anne San Jose na ang ganda raw ng kabuuan ng look nito. Ang bagay pa nilang tingnan ni Rayver Cruz.

Sinabi naman ni Rayver nung in-interview namin sa Beau­tederm launch kay Jennylyn Mercado na dapat match ang isusuot nila sa GMA Gala.

Pero hindi naman nagpatalo ang Herlene Budol na talagang nagnakaw ng eksena sa pagkadapa niya sa stage.

Isa ito sa nag-viral sa X nang matapakan niya ang kanyang gown kaya nadapa ito at diretsong nahulog ng stage.

Ang daming bumilib kay Barbie Forteza na kahit umaawra-awra siya sa red carpet, biglang nagtatakbo papunta kay Herlene para tulungan ito. Pero mabigat din kasi ang suot na gown ni Barbie kaya nahirapan din itong tumakbo.

Dalawang beses palang nadapa si Herlene, nang tumayo raw ito, nadapa siya uli. Pero pinagtulungan naman siya ng mga kasamahan niya sa Sparkle para maayos niya uli ang sarili at itinuloy ang pagrampa niya.

Pero halatang nasaktan daw ito.

Pinagkaguluhan din para interbyuhin doon sa Gala ay sina Kyline Alcantara at Kobe Paras.

Pero kasama ni Kobe ang kuya niyang si Andre Paras na dumating sa red carpet. Pero nakunan ding magkasama sila ni Kyline.

Ang sabi lang ni Kobe nang na-interview ito ng PEP, “For tonight, I’m just a boy who is a fan.

“And you know, I think this is her first time walking alone. So, you know, she deserves every spotlight. And I know tonight she’s gonna look amazing.”

Pero sa isang interview, sinabi ni Kobe na “great friends” daw sila ni Kyline.

“Bakit girlfriend agad? Nagtanong na ba ako?” safe na sagot ni Kobe.

Sabi pa, ang magkapatid na Kobe at Andre naman daw ang madalas na magkasama. Hindi si Kyline.

Samantala, hindi pala kasama ni Dennis Trillo si Jennylyn Mercado na dumalo sa GMA Gala noong Sabado.

Sa nakaraang launch sa kanya bilang bagong brand ambassador ng Beautederm, tinanong siya ni Kuya Lhar Santiago kung dadalo siya sa GMA Gala, “secret, abangan,” napapangiti lang niyang sagot.

Ang dinig namin, inaayos pa ang raise sa talent fee kaya hindi pa nagkakapirmahan ng renewal.

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with