^

PSN Showbiz

Donny, gumaling na sa pag-i-interview

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Donny, gumaling na sa pag-i-interview
Ryan Reynolds, Hugh Jackman, Donny Pangilinan at Cong TV

Ang bongga naman ng aktor na si Donny Pangilinan kasama ang vlogger na si Cong TV na nagkaroon ng pagkakataon na ma-interview ang Hollywood big stars na sina Hugh Jackman at Ryan Reynolds.

Ipinost ni Donny ang litrato nila kasama ang Hollywood actors kamakailan na may caption na “My Wolverine hair failed but iz all good,” kung saan marami ang napa-wow.

Saka naman nito in-upload ang vlog ng kanilang buong interview at preparasyon nila bago ito.

Aliw ang naging gimik nila sa interview sa Deadpool & Wolverine actors kung saan nag-prank sila sa mga ito.

Nagpanggap silang hindi sila magkasundo sa mga itatanong nila sa Marvel actors at sa huli ay inamin na prank lamang ito.

Kwela ang naging interview na very chill lang. Perfect combo raw ang naging vibes ng apat lalo na at isa sa naging gimik nila ay hindi tumatawa ang vlogger na ikinaaliw rin nina Ryan at Hugh.

Bukod sa kanila ay na-interview rin ng ka-love­team ni Belle Mariano ang director na si Shawn Levy kung saan marami ang bumilib kay Donny.

Na-appreciate ng netizens ang pagiging well-versed nito dahil lumutang ang confidence niya sa pakikipag-usap sa director at hindi nahiya na sabihin ang sariling opinyon.

Magaganda raw ang mga naging tanong nito kay Shawn at halata raw sa director na nag-enjoy ito sa interview ni Donny.

Maaalala ngang naging MYX VJ na noon si Donny kaya siguro ganun, mahusay na siya.

Wish nga ng fans ay bumalik na rin ang Can’t Buy Me Love actor sa pagho-host.

vuukle comment

ACTOR

TRENDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with