^

PSN Showbiz

Jennylyn, windang sa natanggap na tennis bracelet at Hermes bag

Pilipino Star Ngayon
Jennylyn, windang sa natanggap na tennis bracelet at Hermes bag
Rhea Tan at Jennylyn Mercado

Iba ang glow ng Beautéderm founder na si Rhea Tan ngayon, na nagdiriwang ng 15 years sa skincare at wellness industry. Tampok sa kanyang speech ang timeless legacy ng kanyang brand na ine-endorse ng top celebrities at influencers.

Sa nasabing selebrasyon, ipinakilala nga ni Ms. Rei ang bagong endorser ng kanyang kumpanya na si Jennylyn Mercado. Kabilang na nga ngayon ang actress sa line-up ng A-list celebrity endorsers ng brand.

At kahit kabago-bago pa lang, nawindang na si Jennylyn sa mga sosyal na regalo sa kanya ng Beautederm CEO and president.

Binigyan lang naman pala ang actress ni Miss Rei ng diamond tennis bracelet at Hermes bag.

Kilalang collector ng Hermes bag ang skincare magnate na parang may sariling department store sa Pampanga.

Kaya naman hindi na kailangang bumili ng Hermes bag ng actress na hindi pa ulit officially Kapuso at hindi rin Kapamilya.

Anyway, Ang Cristaux Retinol (anti-aging), Cristaux Vitamin C (brightening), at Cristaux Hydra-Beauty (anti-acne) ang pro­ducts na ie-endorse ng misis ni Dennis Trillo.

At nagpasalamat ang skincare executive sa Ultimate Star. Sabi ni Ms. Rei, “I follow Jennylyn Mercado on Instagram. Some of her dear friends also told me before that she’s a nice person. Her star power and huge social media following will hopefully connect us to more consumers. Jennylyn embodies grace and beauty.”

Pagpapatuloy ng batang CEO, “I welcome Jennylyn to Beautéderm family. I hope this partnership will inspire Filipinas across the country to feel confident and beautiful in their own skin.”

Sagot naman ng Kapuso actress sa ginanap na media launching, “She’s really good at what she does — business. People look up to her. People follow her. You know why? Because she’s authentic and sincere. I am very grateful for her trust and for the trust of her company. I believe in the products.”

Sinimulan ni Ms. Tan ang kanyang negosyo noong 2009 sa halagang P3,500. Dahil sa kanyang dedikasyon at marketing power, naging isang malaking beauty brand ang Beautéderm, na may mga store sa malls.

Nagpramis si Ms. Rei na may dalawa pa siyang malalaking ambassador na ipakikilala this coming month.

Samantala, aminado si Jennylyn na hindi maiwasan sa tulad nilang mag-asawa na magkaproblema o nagkakainitan ng ulo. At nag-aaway rin daw sila.

At ang ginagawa nilang solusyon : “‘Pag medyo mainit na ‘yung ulo, hihiwalay muna kami ng kwarto. Magkukulong ako rito, du’n siya sa kabila. ‘Yung ganu’n. ‘Yung alam namin kung paano siya iha-handle,” pahayag pa ng aktres.

vuukle comment

ACTRESS

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with