^

PSN Showbiz

Luis, sasabak muna sa rumble... bago magdeklara ng kandidatura

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Luis, sasabak muna sa rumble... bago magdeklara ng kandidatura
Luis Manzano
STAR/ File

Gerald at Sam, susubukan ang talino, diskarte, at swerte sa game show

Magsisimula na pala ngayong weekend ang pinakabagong game show na Rainbow Rumble sa pangunguna ng Pambansang Host at Rumble Master na si Luis Manzano ngayong Sabado (Hulyo 20).

Ibinahagi ni Luis ang kanyang excitement sa pagho-host muli ng isang original format, “Nakaka-proud na maging part ng isang show na gawa ng Pilipinas. It’s very refreshing para sa akin.”

Ididirehe ni John Prats at co-produced ng 3NITHINK, makakasama ni Luis sa unang episode ang magkakaibigan na sina Gerald Anderson, Sancho de las Alas, Marc Solis, Jalal Laidan, at Sam Milby na susubukan ang kanilang swerte, talino, at diskarte para sagutin ang mga tanong ni Luis at manalo ng isang milyong piso.

Sa unang round na pinamagatang Rally to the Top, mag-uunahan ang limang rumblers masagot nang tama ang tanong ni Luis hanggang sa marating nila ang peak ng pyramid na tri-colored tile. Sa bawat tamang sagot, may tsansa silang i-roll ang dice sa die roller machine para malaman ang kulay ng tile na kanyang lilipatan. Makukuha rin nila ang premyo ng nasabing tile.  Sa panahong magkakaroon ng tie sa isang tile ay kailangan nilang sumagot ng isang ‘tile breaker question.’

Ang maswerteng rumbler na mangunguna sa elimination round naman ay tatawid as jackpot round na Rainbow Reveal, kung saan kailangan niyang makuha ang anim na iba-ibang kulay na dice sa loob ng 60 segundo para manalo ng isang milyong piso. May tsansa naman na dumami ang kanyang segundo kapag nasagot niya nang mabilis ang hinandang Rapid Rumble questions ni Luis.

Magdadagdag kasiyahan naman kasama ni Luis ang kanyang ka-rambol na si Negi.

Maaring makisagot na nga sa tanong at alamin kung susuwertehin kaya ang isa sa grupo nina Gerald at Sam na makuha ang isang milyong pisong jackpot prize sa pilot weekend ng programa. Mapapanood ito tuwing Sabado, 7:15 p.m., at Linggo, 8:15 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5.

MANZANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with