^

PSN Showbiz

MMFF movie sana ni Juday, sinadyang ilaglag?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
MMFF movie sana ni Juday, sinadyang ilaglag?!
Judy Ann Santos.
STAR/ File

Ang pelikulang And The Breadwinner Is… ang unang pinagdiskitahan ni Atty. Ferdinand Topacio nang in-announce ang limang scripts na pasok sa official entries ng 50th Metro Manila Film Festival.

Pelikula ito ni Vice Ganda na sinulat at dinirek ni direk Jun Robles Lana.

Inakusahan niya ng plagiarism na kopya raw ito sa 1955 movie ni Rogelio dela Rosa na Higit Sa Lahat.

Ang dinig namin gusto na raw patulan ngayon ni direk Jun Lana.

Ngayon naman ay pinagbalingan ni Atty. Topacio ang isang entry ng Reality Entertainment na Strange Frequencies: Haunted Hospital.

Ini-reveal niyang isang maimpluwensyang pulitiko raw ang nag-finance nitong pelikula na kung saan ang girlfriend nito ay isa sa cast sa film project na ito.

Dagdag na tsismis sa pelikulang ito, dapat ay pasok daw ang horror movie ni Judy Ann Santos, pero ito ang mas pinaboran dahil sa impluwensya ng naturang pulitiko.

Best film nung 2022, nakuha ng streaming

Nagsimula nang mag-streaming sa Netflix ang 12 Weeks na isa sa magandang entry sa Cinemalaya noong 2022.

Obra ito ni Anna Isabelle Matutina na prinodyus ng Digital Dreams, Inc. ng mag-asawang Jules at Danzen Katanyag.

Dito nanalong Best Actress si Max Eigenmann sa Cinemalaya, Urian at The Eddys Choice.

Sa tulong ng co-producer nila rito na Reality Entertainment, naibenta nila ito sa Netflix.

Malaking bagay ito sa mga maliliit na producer para kahit paano ay mabawi ang kanilang puhunan lalo na’t mahina pa rin talaga ang mga pelikula  sa mga sinehan.

Ganundin ang ginawa ni direk Brillante Mendoza na Moro, hindi ito nakapasok MMFF noong nakaraang taon, kaya pinulido pa ni direk Brillante at inalok sa Netflix. Kaya nag-streaming na rin ito kahapon.

Mahirap pa rin daw kasing makipagsapalaran sa sinehan. “Napaka-sad ng ating situation ngayon, no. Ang reality ngayon sa mga theater at saka… alam naman natin, ang mga pelikulang ipinapalabas, so I don’t know if you’re aware. Ano na ngayon, July?

“Mula January right after ng Metro Manila Film Fest hanggang ngayon, wala pang isang pelikula na… o really, parang… pinanood ng mga audience, no. Wala pa. So medyo sad ‘yon,” saad ni direk Brillante.

Gusto pa naman daw sana niyang ipalabas itong Moro sa widescreen dahil iba talaga kapag ang experience sa loob ng sinehan.

“The only advantage naman ng sinehan is that eto, ‘yung ganitong experience, ‘di ba? Nasa cinema ka. Tama ‘yung audio mo, OK.

“Siyempre ‘pag Netflix, ‘di ba, nanonood sila sa cellphone. Sa laptop. So parang nakaka-sad din ‘yon, ‘di ba?

“Kasi kaming mga production, pinaghirapan namin ‘yan, ‘di ba? Kahit na sa post production, talagang hindi ko binibitawan ‘yan. Ultimo ‘yung maliit na sound ng baril, you know,” sabi pa ni direk Brillante.

Pero may iba ring producer na kahit maliit lang ang pelikula nila ay   nakipagsapalaran sa sinehan.

May iba silang strategy para mabawi nila ang puhunan.

Kagaya nitong pelikulang Sagrada Luna ng Pinoyflix na dinirek ni Jose JR Olinares.

Siya rin ang nag-market at ang ginawa niya ay pinapa-sponsor niya sa ilang malalaking grupo, kagaya nitong The Fraternal Order of Eagles o Philippine Eagles.

Nagpa-premiere night itong Sagrada Luna sa Cinema 7, 8 at 9 ng SM Megamall.

Tampok sa pelikulang ito ang ilang Vivamax stars na sina Rash Flores, Alexa Ocamp, Michaela Raz at marami pa.

May pagka-sexy siya at maselan din ang kabuuan ng pelikula, kaya binawas-bawasan ni direk JR para pasok ito sa R16 ng MTRCB.

Pero may ginagawa siyang paraan para hindi ito malugi at mabawi ang puhunan ng producer.

Aniya, “Ang ginawa amin nationwide talaga. Sobrang mahirap, kasi ang ano mo rito, ang kalaban mo rito ‘yung time constrain, pati ‘yung area, lahat pupuntahan mo. That’s why nagta-tap ako ng mga nationwide group.”

Nakakuha siya ng ganung grupo para sumuporta sa pelikula niya. Kaya nakaapat na raw siyang pelikulang nababawi naman ang puhunan. Nabibigyan pa ng trabaho ang mga artista at production crew.

“Iyan ‘yung concept. So, kailangan lang talaga sipag,” saad ni direk JR Olinares.

Magso-showing na itong Sagrada Luna sa July 24.

JUDAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with