^

PSN Showbiz

Senior actor, mabilis nang ma-haggard

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Kailangan na raw maging maingat ang namamahala sa career ng isang guwapo at mestisong aktor kahit senior na.

Kasi naman, kapag napupuyat sa tapings, lumalabas ang pagiging haggard at halata ito sa mga closeup niya, huh!

May isa ngang staff na nagsabi sa director na, “Pumapangit na siya, Direk, kapag tumatagal. Madali nang mawala ang freshness niya!”

Kaya nga raw, kapag may taping ang aktor, hindi na siya masyadong pinupuyat nang sa ganoon eh ma-maintain ang pagiging sariwa niya kahit gurang na, huh!

Miguel, gagawin ang pelikula ni Raymart

Isasalang naman si Miguel Tanfelix sa isang action-drama na pagbibidahan niya at iba pang Sparkle artists.

Ayon sa post ng ilang netizens, si Miguel ang magbibida sa remake ng old Viva movie na Mga Batang Riles.

Ang Batang Riles kung tama pa rin kami e ‘yan ang launching movie ni Raymart Santiago bilang action star nang bigyan ng break ng Viva Films na mula sa kuwento at direksiyon ng pumanaw na si Deo Fajardo, Jr. na discoverer din nina Senador Robin Padilla at Rudy Feranandez.

Kung totoo, dapat may role rin sa movie si Raymart na napapanood sa GMA series na Black Rider.

vuukle comment

RAYMART

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with