^

PSN Showbiz

Batikang aktor na si John Arcilla, may inamin sa kanyang trabaho

Pilipino Star Ngayon
Batikang aktor na si John Arcilla, may inamin sa kanyang trabaho
John Arcilla at Bernadette Sembrano.
STAR/ File

Magiging puno ng inspirasyon at saya ang Linggo dahil mapapanood sa Tao Po ang kwento ng world-class artist na si John Arcilla at ang batang artista na si Jordan Lim ng Goin’ Bulilit ngayong Hulyo 21 sa bago nitong timeslot tuwing 6:30 ng gabi.

Nakakwentuhan ni Bernadette Sembrano ang batikang aktor at Volpi Cup Best Actor na si John Arcilla sa set ng Pamilya Sagrado, kung saan sumabak ito sa isang acting challenge at nagbahagi ng kanyang karera sa Teatro, pelikula, at telebisyon.

Kinilala naman ni Anjo Bagaoisan ang cute na batang aktor na si Jordan Lim na pinahanga ang publiko dahil sa kanyang mahusay na panggagaya kay “Jeep Canoy,” ang mini me version ABS-CBN News chief of reporters, Jeff Canoy. Ibinahagi ni Jordan kung paano niya pinaghandaan ang papel bilang si Jeep Canoy at ikinwento rin ang buhay artista na Kapamilya ng mga kilalang personalidad sa industriya.

Samantala, ipapakilala naman ni Kabayan Noli de Castro sa viewers ang isa sa pinakamatagal na traffic surveyors sa bansa na si Pablo “Tatay Pabs” Farmisan. Bukod sa pag-alam ni Kabayan sa mga karanasan ng hanapbuhay bilang traffic surveyor, nakibilang din si Kabayan ng mga sasakyan sa Metro Manila.

Panoorin ang mga makabuluhang kwentong ito ngayong Linggo (July 21) sa Tao Po ng 6:30 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ABS-CBN News’s YouTube Channel, at iWantTFC.

vuukle comment

JOHN ARCILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with