^

PSN Showbiz

Black Rider may heroic finale, Philip babalik

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Black Rider may heroic finale, Philip babalik
Ruru Madrid

Intense action, revelations, at plot twists sa finale week ng 2024 New York Festivals Bronze Medalist at 18th Gandingan Awards Most Development-oriented Drama Program na Black Rider simula ngayong Lunes, July 22.

Sa papalapit na pagtatapos ng programa, patuloy si Calvin (Jon Lucas) sa pagpapahirap sa buhay ni Elias (Ruru Madrid). Gagamitin niya si President William (Roi Vinzon) para pakasalan siya ni Vanessa (Yassi Pressman) habang hindi pa rin namumulat sa katotohanan ang dilag.

Marami ring kaabang-abang na eksena ngayong alam na ni Señor Edgardo (Raymond Bagatsing) na si Moises (Jak Roberto) ang nawawala niyang anak. Pasabog din ang mangyayari kay Nanay Alma (Rio Locsin) na patuloy na pinahihirapan ng kanyang kapatid na si Jojo (William Lorenzo).

Sa kabila ng lahat ng ito, patuloy pa rin si Elias sa kanyang pakikipaglaban para sa hustisya. Ang tanong, magtatagumpay kaya siya, o dadalhin lamang niya sa kapahamakan ang kanyang mga mahal sa buhay?

Magbabalik din sa finale week ng serye si Mariano (Philip Salvador), ang misteryosong lalakeng tumulong at humubog kay Elias para maging isang full-blooded fighter.

Patuloy na pinatutunayan ng Black Rider ang malakas nitong presensya hindi lamang sa TV kundi maging online. Sa lahat ng social media platforms, patuloy na nagiging viral ang videos ng Black Rider na pumalo na sa mahigit 1.5 billion views and counting.

Ang serye ay sa ilalim ng direksyon nina master directors Rommel Penesa ( Lolong ) at Richard Arellano.

‘Wag palampasin ang action-packed finale week ng Black Rider simula July 22, 8 p.m. sa GMA Prime, with simulcast sa Pinoy Hits at livestreamed via Kapuso Stream at GMA Public Affairs’ YouTube at Facebook accounts. Mayroon din itong delayed telecast sa GTV ng 10:05 PM. Maaari din itong mapanood ng Global Pinoys sa GMA Pinoy TV.

 

vuukle comment

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with