^

PSN Showbiz

Billy, binubuhay ang career sa France!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Billy, binubuhay ang career sa France!
Billy Crawford

MANILA, Philippines — Sikat pa rin sa France si Billy Crawford, napanood namin ang videos at photos ng shows na ginagawa niya sa iba’t ibang parte ng France at laging marami ang tao. Ang iba nga, nakiki-sing-along pa sa kanya at ang nakatutuwa, ‘yung hit song niya nang una siyang sumikat doon ay alam pa ng fans.

Kaya pala hindi siya naging visible rito dahil nasa France at nakaka-proud na tanggap pa rin siya ng French fans. Nakatulong na fluent pa rin siya ng French at sa Instagram nga nito, nakababasa na namin kami ng mga comment in French.

May tumawag sa kanya na superstar in France at ang payo sa kanya, to record a new song i-distribute sa France para muli siyang mag-number one. Isang hit song lang daw ang kailangan at mababawi niya uli ang pagiging number one performer.

Yassi, game sa round 2 kay Ruru

Nagpasalamat si Yassi Pressman na nakasama siya sa cast ng action series na pinagbibidahan ni Ruru Madrid. Hindi lang siya basta kasama sa cast, siya ang isa sa leading lady ni Ruru at mahaba ang kanyang partisipasyon.

“Thank you for allowing me to be Bane, it was really fun. Hindi ko pa napo-portray before ang Bane character. Ang daming emotions na kailangang ilabas at nagkaroon pa ng amnesia na hindi ko pa rin nagawa. Ang daming ups and downs ng buhay ni Bane. Thank you sa mara­ming beautiful experiences while doing the series. Ang dami kong naging kaibigan,” sabi ni Yassi.

Open siya sakaling magkaroon ng Book 2 ang Black Rider and to be working with Ruru again. Ang description niya sa aktor ay very gene­rous at masarap kaeksena.

Mga pelikula ang sunod na gagawin ni Yassi sa Viva Films, bagay na hindi pa niya puwedeng ipaalam. This year and next year, magiging busy siya sa paggawa ng pelikula.

Dadalo si Yassi sa GMA Gala 2024 na naka-schedule na bukas. Gown na gawa ni Anthony Ramirez ang kanyang isusuot na nang kanyang i-post ang reels, nag-comment ng emoticon na may heart ang boyfriend niyang si Camarines Governor Luigi Villafuerte.

Kyline, gustong mag-solo

Susundin ni Kyline Alcantara ang payo sa kanya ng kanyang management to go solo sa GMA Gala 2024 dahil sa interview sa kanya sa 24 Oras, nang tanungin kung sino ang escort niya sa event, ang sagot ay solo siyang darating.

Madi-disappoint nito ang fans na umaasang dadalo siya sa event kasama ang constant date niya ngayon na si Kobe Paras.

Kaya lang, gusto ng management niya na mag-shine siya nang solo at walang ibang makakasama sa spotlight. Sabagay, tama naman, nagkakasama na sila ni Kobe sa mga non-showbiz event, sa showbiz event, hayaang mag-solo siya. Ito ay kung hindi magbabago ang desisyon niya.

Ang last time na spotted sila ay sa birthday party ng isa nilang non-showbiz friend, and yet, nakunan pa rin sila ng photos at nag-viral ang photo na ‘yun.

And speaking of Kyline, mukhang malapit na ang airing ng Shining Inheritance dahil sunud-sunod na ang labas ng teaser kung saan siya gaganap na kontrabida.

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with