^

PSN Showbiz

Kim, nag-ala Angelina Jolie; pag-alis ni Ivana pinaliwanag

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kim, nag-ala Angelina Jolie; pag-alis ni Ivana pinaliwanag
Kim at Ivana
STAR/File

Mas bongga pa umano ang mga maaaksyong bakbakan sa FPJ’s Batang Quiapo matapos purihin ng mga mano­nood ang salpukan ni Coco Martin sa bagong pasok na si Kim Domingo.

Pasabog nga agad ang maangas na karakter ni Kim bilang si Madonna dahil hinamon niya ng makapigil-hiningang bakbakan si Tanggol. Bagama’t hindi pa raw malinaw kung bagong kalaban o kasangga si Madonna, dapat diumanong abangan kung anu-anong mga pagsubok ang dadalhin niya sa pagpasok sa buhay ni Tanggol.

Sa pagpapatuloy ng FPJ’s Batang Quiapo, muling magkukrus ang landas nina Tanggol at Madonna na aabot sa tutukan ng baril. Pero isa lang iyon sa mga bala­kid na haharapin ni Tanggol dahil sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nakatakdang magtipun-tipon ang buong pwersa ng kanyang mga kalaban sa pagbisita nila sa burol ni Pablo Caballero.

Pinuri naman ng netizens ang mala-Hollywood fight scenes ni Kim at excited na rin sila sa susunod pang mga maaaksyong engkwentro nina Madonna at Tanggol.

“Parang pang Hollywood yung aura. plus yung acting skills niya kahit facial expressions pa lang dama mo na yung angas,” komento ng isang TikTok user.

“Parang si Kim Domingo ay si Angelina jolie sa dating at aksyunan,” post pa ng isang netizen.

At least napansin si Kim na parang matagal na ring natutulog ang career.

Pero anyare kaya sa lovelife ni Kim?

May na-in love sa kanya noong billio­naire pero diumano’y meron nung boyfriend na player si Kim pero sa bandang huli ay naging ok diumano sila ng bilyonaryo.

Samantala, sumagot naman ang Star Magic sa mga intriga sa pag-alis ni Ivana Alawi sa Batang Quiapo.

Ayon sa inilabas nilang statement: “Nais ipaalam ng Star Magic na walang katotohanan ang mga bali-balitang lumalabas tungkol sa dahilan ng pag-alis ni Ivana Alawi sa FPJ’s ‘Batang Quiapo.’

“Magmula nang naging parte si Ivana ng serye, mainit ang naging pagtanggap ng publiko sa karakter ni Ivana na si Bubbles at ang tambalan nila ni Coco Martin kaya naman naging daan ito para humaba ang kanyang pananatili sa serye ng higit sa napagkasunduang tatlong buwan.

“Nagpapasalamat kami sa dedikasyon, pagmamahal at masayang samahan na ipinamalas ni Ivana sa kanyang mga katrabaho, at sa pagbibigay serbisyo sa manonood.

“Lubos din ang pasasalamat namin kay Coco at sa lahat ng bumubuo ng ‘Batang Quiapo’ sa oportunidad na ibinigay kay Ivana na maging bahagi ng nangungunang teleserye.”

Naintriga na diumano’y ‘di kayang katrabaho ni Ivana si Kim.

vuukle comment

KIM DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with