^

PSN Showbiz

‘Di masyadong pagod at haggard, Kim tuhog ang panalo sa Korea at nominasyon sa Taiwan

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
�Di masyadong pagod at haggard, Kim tuhog ang panalo sa Korea at nominasyon sa Taiwan
Kim Chiu

Wow, super winner ang Monday ni Kim Chiu kahapon.

Winner siya ng Outstanding Asian Star - Philippines sa Seoul International Drama Awards 2024 at nominated siya for Best Female Lead in a TV series at the ContentAsia Awards sa Taiwan.

Na magkasunod ang naging annoucement kahapon.

Nakasungkit nga ng anim na nominasyon ang ABS-CBN sa 2024 ContentAsia Awards, na kumikilala sa mga mahuhusay na mga programa, pelikula, at pagganap ng mga artista mula sa iba’t ibang bahagi ng Asya.

At nangunguna sa listahan si Kim bilang Best Female Lead in a TV Programme nominee sa hit Dreamscape serye na Linlang, habang nominado naman sa Best Male Lead si Arjo Atayde para sa kanyang pagganap sa psychological thriller na Cattleya Killer.

Nominado rin ang Linlang star na si Kaila Estrada bilang Best Supporting Actress in a TV Programme/Series.

Makikipagtagisan sina Kim, Arjo, at Kaila sa ilan sa premyadong personalidad mula China, Singapore, Thailand, Indonesia, Hong Kong, at India.

Samantala, nominado bilang Best Asian Feature Film/Telemovie ang Star Cinema revenge-drama na A Very Good Girl nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon, kasama ang ilang natatanging pelikula mula Malaysia, Indonesia, at Japan.

Kasama rin sa mga nominado ang youth-oriented digital series Zoomers para sa Best Asian Short-form Drama/Series category, habang lalaban naman sa Best Original Reality and/or Competition Programme ang reality queer-dating series na  Sparks Camp.

Gaganapin ang awards ceremony ng 2024 ContentAsia Awards ngayong Setyembre 5 (Huwebes) sa 2024 Trendy Taipei music, arts, and innovation festival.

Samantala, going back to Kim, natanong nga ang actress kung besides skincare what makes her blooming nowadays?

Tilian ang mga fans noong Sabado ng hapon, sa meet and greet para sa kanyang newest endorsement, Face by Bloom.

“Blooming ba?” tumatawang sagot kaagad niya.

Paliwag niya, medyo chill siya lately dahil tapos na ang mga taping niya sa dalawang trending teleserye na Linlang and What’s Wrong With Secretary Kim.

“Ahh tapos na kaming mag-taping. Medyo light lang ang ginagawa ko lately so I can... I get to do things that I want. Gusto ko rin naman mag-taping o mag-shooting. Pero nakakapahinga ng maayos, nakakatulog, nakakapag-ahh.. maraming time for myself so I can.. hindi masyadong pagod at haggard,” paliwanag pa ni Kim.

Hanggang sinundot na ang tanong kung sino ba ang nagpapa-bloom sa kanya?

“Siyempre kayong lahat na andito,” sabay tili ng mga dumagsang fans sa SM North EDSA noong Sabado ng hapon.

Kasabay ng short interview kasi kay Kim ay ang meet and greet with her fans na talagang galing pa ata sa buong mundo - may group ng fans na ‘global.’

Pero malapit na raw ulit siyang maging busy, mag-uumpisa na ulit ng teleserye. Tho bare pa ang sagot niya, walang detalye.

Pagdating naman sa endorsement niya, hindi raw siya nagbibilang dahil baka mabawasan.

Basta aniya, grateful siya sa maraming blessing na dumarating sa buhay.

Anyway, sensitive pala ang skin ni Kim kaya maingat siya sa mga ginagamit na skin products.

Sinusubukan daw muna niya bago i-endorse tulad nitong Bloom.

Matagal nang pinamamangha ng Chinita Princess ang madlang pipol sa kanyang show-stopping na ganda, sa pelikula man o sa telebisyon, mula pa nuong siya ay teenager. At maliban sa pagiging isang masipag na aktres at TV personality, ang isa pang ‘di nagbabago kay Kim mula nang siya ay sumikat 18 years ago ay ang kanyang radiant skin.

Actually, parang ‘di nga nadadagdagan ang edad niya.

Gawa aniya ang bagong endorsement sa Korean expertise at naka-sentro sa pag-nourish ng Filipina skin gamit ang mga skin-loving products.

vuukle comment

ACTRESS

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with