4 movies sa 50th MMFF, may announcement na!
Vice, Vic, Coco, Piolo, unahan
Magkakaroon ng announcement ang apat na pelikula (script) na magiging official entries sa Metro Manila Film Festival –SineSigla Sa Singkuwenta Launch 2024 – sa Tuesday na gaganapin sa Manila City Hall.
Strictly invitational ang nasabing event dahil maraming dadalong mga important personalities sa film industry na tutulong para mas palakasin pa lalo ang MMFF ngayong 2024.
Ang City of Manila ang host ng 50th anniversary of the MMFF.
Sa totoo lang, nagsimula naman talaga ang annual filmfest sa Maynila.
Nauna nang nabanggit ni MMFF Chair Don Artes na kung sa 800 cinemas ipinalabas ang mga pelikula noong MMFF 2023, ngayong 2024, “we like to cover 900 cinemas.”
Welcome na rin daw ngayon ang mga product placements na dini-discourage noon.
Ito ay upang makatulong diumano sa mga producer dahil alam nila kung gaano na kamahal ngayon ang gastos sa paggawa ng pelikula.
Pero aniya, pag-uusapan pa ang mechanics at hindi naman parang commercial na ng isang produkto.
Magkakaroon din ulit ng Manila International Film Festival sa Los Angeles at nakikipag-usap na raw sila sa mga organizer doon.
Nagtapos ng ang submission ng soft copy with 10 hard copies noong June 14 (Friday).
Para sa natapos na pelikula, ang deadline para sa pagsusumite at iba pang kinakailangang dokumento, kabilang ang opisyal na trailer, clippings at behind the scenes, ay sa Setyembre 30 (Lunes).
Ang anunsyo ng susunod na apat na finished films ay sa Oktubre 15 (Martes).
Nalampasan ng MMFF 2023 ang target at nadoble ang kita, layunin ng MMFF 2024 na lumikha ng mas magagandang pelikula at magbunga ng mas malaking kita sa takilya.
Ang pelikulang Rewind ang nag-number 1 sa MMFF 2023 na kumita ng mahigit isang bilyon na nagbigay ng Box Office Heroes award sa mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera mula sa 7th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice).
Ang nasabing pelikula ang masasabing bumuhay talaga sa movie industry matapos ang ilang taong pandemya last year.
Tinaob ng DongYan movie ang kinita ng pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye.
Diumano’y kabilang sa mga malamang na mapanood sa MMFF 2024 sina Vice Ganda, Vilma Santos, Judy Ann Santos, Jodi Sta. Maria, Maricel Soriano, Vic Sotto, Piolo Pascual, Coco Martin at Hilda Koronel.
- Latest