^

PSN Showbiz

Marian, palabang best actress sa balota

Pilipino Star Ngayon
Marian, palabang best actress sa balota
MArian Rivera.
STAR/ File

Aliw na aliw ang mga netizen sa pag-awra ng Balota stars na sina Sassa Gurl at Marian Rivera sa ginanap na Cinemalaya presscon kung saan nagbiro ang viral content creator sa Face-Off nang makita niya ang Kapuso Primetime Queen.

“Uunahin natin ang napakaganda at napaka-fresh (Marian Rivera), oh pak! Diba ang ganda, Face-off.”

Ayon kay Sassa Gurl, gaganap siyang “baklang kanal” sa nasabing Cinemalaya entry ng GMA Pictures and GMA Entertainment Group.

Say pa niya: “Para to sa mga nakshie ko.”

Laking pasasalamat din daw niya kay Direk Kip Oebanda dahil sa role na ito ay nabigyan ng panibagong boses ang representasyon ng LGBTQ community.

“Hindi niya ako pinabayaan sa role na ‘to, kasi kadalasan, ‘di ba, ang mga bakla coin for punchline bato lang, but this time around binigyan niya ng lalim, binigyan niya ng layers ang pagiging baklang kanal (at) baklang timang,” saad niya.

Samantala, napa-comment naman si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa official poster ng Balota sa Instagram.

Say ni Dingdong: “Love this poster.”

Pinusuan din ng iba pang celebrities ang nasabing poster na inulan ng maraming papuri at excitement mula sa netizens.

Hula naman nila na may posibilidad na maging Best Actress si Marian sa pelikulang ito.

Abangan ang iba pang mga karakter sa Balota na mapapanood sa Cinemalaya Film Festival 2024 umpisa sa Aug. 2.

vuukle comment

MARIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with