^

PSN Showbiz

EDDYS, mapapanood ngayong gabi sa channel 2!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
EDDYS, mapapanood ngayong gabi sa channel 2!
DongYan, Julia at Piolo Pascual
STAR/ File

Matapos ang matagumpay na 7th EDDYS (Entertainment Editor’s Choice) nitong Hulyo 7, 2024 na ginanap sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts, sa Pasay City, mapapanood na ang kabuuan nito ngayong Linggo, July 14, 10 p.m. sa ALLTV mula sa direksyon ni Eric Quizon.

Star-studded ang Gabi ng Parangal para sa ika-7 edisyon ng The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa pangunguna ng mga bituing nagwagi sa major acting awards at mainit na pinag-usapan hanggang sa kasalukuyan.

Present sa maningning na Gabi ng Parangal si Julia Montes na nagwaging best actress para sa pelikulang Five Breakups And A Romance at si Piolo Pascual na itinanghal namang best actor para sa Mallari. Hindi naman nakarating si Charlie Dizon na naka-tie ni Julia para sa pelikulang Third World Romance.

Bukod dito, ginawaran din sina Julia at Piolo bilang Box-Office Heroes matapos tumabo sa takilya ang kanilang mga pelikula kasama ang Kapuso Primetime King & Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa Rewind na kapwa dumalo noong Linggo.

Personal ding tinanggap ng mga EDDYS Icons ngayong taon na sina Nova Villa, Leo Martinez, Eva Darren at Gina Alajar ang kanilang mga tropeo. Ang ikalimang awardee na si Sen. Lito Lapid ay hindi nakarating ngunit naroon ang kanyang pamangking si Atty. DX Lapid bilang representative.

Ngayong taon, itinanghal ang pelikulang About Us But Not About Us bilang Best Film at Best Director si Jun Robles Lana para pa rin sa About Us But Not About Us.

Ang Best Supporting Actress award ay naiuwi ni Gladys Reyes para sa Apag at ang Best Supporting Actor ay iginawad kay Enchong Dee para sa GomBurZa.

Nagsilbing host ang itinanghal na Best Actress sa 6th EDDYS na si Janine Gutierrez (para sa pelikulang Bakit Di Mo Sabihin?) kasama ang Kapuso Millennial It Girl na si Gabbi Garcia at movie at TV actor Jake Ejercito.

Nagkaroon ng espesyal na pagtatanghal nang gabing ‘yun ang award-winning singer na si Jed Madela, Ultimate Singer-Songwriter Ogie Alcasid, drag queens Rampa Reynas at ng mga promising young artists na sina Elisha Ponti at Andrea Gutierrez.

Nagsilbing Red Carpet host naman ang veteran radio-online personality na si Mr. Fu.

Ilan sa mga naging presenters sa awards night ay ang acting winners ng 6th The EDDYS — best actor Elijah Canlas, ang ka-tie ni Janine bilang best actress na si Max Eigenmann, best supporting actor na si Mon Confiado, at best supporting actress na si Nikki Valdez.

Nag-present din ng awards sina Sen. Bong Revilla, Congresswoman Lani Mercado, Cedrick Juan, James Reid, Direk Jose Javier Reyes, Joross Gamboa, Arnell Ignacio, RS Francisco, Liza Reyes ng Globe Telecoms, Kelley Day, Michael Sager, Jeric Gonzales, Miss Switzerland  Franki Russell, Christophe Sommereux, Beaver Magtalas, Khai Flores, Shaira Tweg, at ang action director ng PCSO na si Imelda Papin.

Naroon din si Korina Sanchez na binigyan ng Joe Quirino Award habang tinanggap naman ng magkapatid na CJ at Peach Caparas ang posthumous award para sa kanilang yumaong amang si Direk Carlo J. Caparas.

Dumalo rin ang director-producer na si Perci Intalan na siyang tumanggap ng mga tropeo para sa awards ng About Us... at ang producer ng Mallari na si Bryan Dy ng Mentorque Productions na siyang itinanghal na Rising Producer of the Year.

Tinanggap ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson at former House Speaker Sonny Belmonte (para sa anak niyang si Quezon City Mayor Joy Belmonte) ang Isah V. Red award.

Ilan sa mga nominado sa iba’t ibang kate­gorya ay dumalo rin sa awards night kabilang na sina Cedrick Juan, Romnick Sarmenta at Keempee de Leon.

Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts at ALLTV, naging kaagapay rin ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Telecom at iFern/Kim’s Diary.

Nagsilbi namang official auditor ang Juancho Robles, Chan Robles & Company (CPAs).

 

vuukle comment

ALLTV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with