^

PSN Showbiz

Maris nagsalita sa polite separation nila ni Rico!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Maris nagsalita sa polite separation nila ni Rico!
Maris Racal
STAR/ File

Aktres may nadiskubre sa saril

Matapos ang maraming speculation, inamin na ni Maris Racal na tapos na ang relasyon nila ng band vocalist na si Rico Blanco.

Actually, matagal-tagal na ring sinasabing hiwalay sila pero walang confirmation.

Kabilang nga sila sa dalawang couple na sinasabing hiwalay na.

Pero umamin na si Maris kaya hinihintay na ang isa pang couple na umamin na hiwalay na sila.

Ang pagkakaiba lang, ang isa pang sinasabing hiwalay na ay kasal.

Pero lahat nga ‘yun ay speculation lang dahil si Maris pa lang ang umaamin.

Naganap nga ang kumpirmasyon ni Maris sa Spotlight presscon na ipinatawag ng Star Magic kahapon.

Nang matanong nga si Maris ay naging emosyonal siya. hanggang tumulo na ang luha.

Natatakot daw siya na ‘pag nagsalita siya ay totoo na nga.

“I’m so scared. I’m really scared ang dami kasing tanong about him. And I was kind of smiling and nodding. I’m so scared because if I announce it, then it’s real. Yeah, Rico and I are over,” umpisa niya na ikinatahimik ng entertainment media.

Since when?

“It’s fresh. It’s been a few weeks. The loneliest, emptiest weeks I’ve ever experienced in my life,” sagot ng actress na kasalukuyang pinalalabas ang pinagbibidahang pelikula na Marupok A+.

Anong ginagawa niya para malampasan itong pinagdaraanan sa kasalukuyan.

“Nanonood lang ako ng Bluey. Well, wala nang tanong, but...”

Anong nangyari, sundot na tanong sa kanya.

“Wala akong short answer for it. Hindi ko rin siya malabas ng isang statement lang kasi hindi gano’n kadali. Hindi gano’n kadali. Sobrang complicated ng situation,” sagot niya habang panay ang tulo ng luha.

“Rico and I, our universe was so beautiful. It was so full of love, laughter, music, everything. It’s spontaneity. Everything. Sa five years namin together, we were always on the same page. Always on the same page. I don’t know what happened. Maybe I turned to the next page and saw a new perspective sa life.

“I had visions of who I wanted to become and how I wanted to evolve. I’m so curious about the world. And the truth is, I am going through changes. And alam naman natin iyan, change is either good or bad. But what I hate about change is that it’s inevitable. ‘Di mo siya matatakasan. And wala ka na ibang gawin, you have to face it and confront it. It’s been in the back of my head. So yeah, I told Rico about it. I told him my problems and my issues. And he looked at me like a man,” pag-amin niya sa naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Pero pinagdiinang minahal niya ito at ganundin ito sa kanya.

“It was a very difficult talk. Because I loved him so much. I love him, and he loves me. But I have so many questions about my life. How will I go on? Sa buhay with him. I have so many questions about me and my sense of self. It was so difficult. But it was a very polite separation. Up to the very end of our relationship, it was still full of love. Full of understanding. And Rico is one of a kind. If only I could skip through my twenties, you know. But I can’t. I have to face it.

“I have to sit with my feelings and acknowledge my changes. Ayun lang,”  kumpisal pa ni Maris.

Pero itinanggi niyang may third party.

Massive ang popularity ng tambalan nila ni Anthony Jennings dahil sa nagtapos na teleseryeng Can’t Buy Me Love.

In fact, may gagawin na silang pelikula. Pagkakatapos daw ng trabaho nila, balik sila sa totoong buhay nila “Pag-uwi ng bahay, you know you go back to your real selves. Gano’n naman ang cycle ng buhay as a new artist. So yeah,” pahayag ng actress.

Nakikiusap din ang actress sa publiko na unawain sila. “While we’re at it, I would like to ask the public to look at us, Rico and me, with understanding and love, because we’re both briefing. Hindi naman makokontrol ‘yung mga opinion ng mga tao, but please don’t direct your hate towards Rico. He’s too precious for that. If you guys want to throw some punches, I’m ready to take them.”

Twenty five ang age gap nina Rico at Maris kaya’t may mga nag-iisip na gusto nang magkaanak ni Rico na tinanggihan ni Maris.

Napag-usapan naman na rin daw nila ang ginawa niyang pag-amin na ito.

Mas maganda na nga namang umamin siya para tapos na rin ang kontrobersya.

Nauna nang inamin ni Maris  na malala ang pagi­ging marupok niya sa tunay na buhay.

Katunayan, sa sobrang rupok at brokenhearted niya, nakagawa raw siya ng isang buong album.

“Pinagkakitaan ko ‘yung mga ginawa sa akin kasi, hello!? Kailangan ko ng pera! It’s me taking my power back. Sinaktan mo? I’m gonna write a song about you, hahaha! Well, ano rin, may mga especially nu’ng ano, early 20s ko, grabe ‘yung karupukan ko talaga, as in like (sabay buntong-hininga), ganu’n. ‘Yung pamilya ko, gumaganu’n na lang (buntong-hininga), ‘yung friends ko, ganyan (buntong-hininga ulit). Pero I think lahat naman talaga dinaanan n’yo. Yes, ‘di ba? Yes, dadaan talaga tayo sa karupukan at d’yan tayo natututo. Ang importante, what you do after being brokenheartedÉ maging marupok pa rin, hahaha! Ayoko na!” natatawang kwento ni Maris nang humarap sa mediacon ng pelikulang Marupok A+ sa Greenbelt 3 My Cinema kamakailan.

vuukle comment

MARIS

RICO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with