Knowledge Channel, may libreng online teacher conference!
Bilang paghahanda sa pagbubukas ng SY 2024-2025, mag-oorganisa ang Knowledge Channel Foundation, Inc. (KCFI), na nagdiriwang ng ika-25th anibersaryo, ng kanilang unang Teachers’ Conference sa pagtuturo ng Pagbasa at Mathematics sa pamamagitan ng Wikaharian, Ready, Set, READ!, at MathDali.
Ang libreng conference ay magbibigay ng Certificate of Participation at Continuing Professional Development (CPD) points sa mga kalahok. Ito ay ipapalabas nang live sa Facebook page ng Knowledge Channel mula 9:00 a.m. hanggang 2:00 p.m., alinsunod sa National Learning Camp para sa mga guro ng Department of Education.
Tatalakayin ng Teachers’ Conference ang mga paksa gaya ng Phonics, Word Recognition, Comprehension Strategies, and Literacy Interventions para sa pagtuturo sa pagbabasa, and Common Math Misconceptions, Differentiated Instruction, and Constructivism para sa pagtuturo ng math upang bigyang kapangyarihan at mapalahok ang 30,000 participants sa effective strategies, resources, skills, at methodologies upang mapabuti ang performance sa pagbabasa at mathematics.
Ipapakita rin dito ang mga orihinal na educational program ng KCFI tulad ng Wikaharian, Ready, Set, READ!, at MathDali bilang digital tools sa pagtuturo ng pagbasa at mathematics.
Iniimbitahan ng Knowledge Channel Foundation ang mga guro, prinsipal, school administrators, curriculum developers, educational technologists, teacher trainers, aspiring teachers, mga magulang at caregiver ng kabataan na makilahok.
Maaaring magparehistro sa conference sa pamamagitan ng tinyurl.com/KCFIRegistration! at magsasara ang registration sa Hulyo 16, 8:00 a.m.
Widows’ War, may 80 million views na!
Certified hit at trending mapa-TV man o online ang newest murder mystery series ng GMA Network na Widows’ War!
Bukod sa gabi-gabing panalo sa ratings, pumalo na rin sa 80 million views and counting ang serye pagdating sa Facebook, YouTube, at TikTok accounts ng GMA Network. Sa loob lang ‘yan ng dalawang linggo mula nang mag-launch ang Widows’ War nitong July 1.
Komento ng netizens sa Facebook page ng GMA Drama, “Widows’ War deserves more recognition from award-giving bodies. This masterpiece is truly a representation of a world-class Filipino talent! Kudos to Bea, Carla, GMA, and the whole team! Sobrang naaadik na ako dito! Sana meron na rin tuwing weekends! Ang gagaling ng mga cast to the highest level talaga!”
Nakikihula na rin ba kayo kung sino ang tunay na may sala?
Marami pang intense na magaganap, kaya tutok lang sa Widows’ War tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.
- Latest