^

PSN Showbiz

Dominic, tameme na kay Bea!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Dominic, tameme na kay Bea!
Dominic Roque

Ayaw nang magsalita pa ni Dominic Roque tungkol sa sinabi ng aktres na si Bea Alonzo kung sino ang nag-initiate ng breakup.

Natanong ang ex ng Widows’ War actress sa Balitanghali tungkol sa nangyari sa kanila pero tipid lang ang na­ging sagot niya at sinabing  “Wala naman akong i-a-add.”

Sinabi nitong inaabala niya ang sarili sa trabaho, sa pamilya at mga bagay-bagay.

Gaya ng aktres ay moving on na rin daw ito pagkatapos ng kanilang hiwalayan.

Maaalalang nilantad ni Bea sa 24 Oras na hindi siya ang nakipag-break kundi ang kanyang ex pero hindi na niya dinetalye pa ang nangyari sa kanila.

Ayaw na nitong balikan pa ang nakaraan dahil ok naman daw sila at respeto na lamang daw sa kanilang pinagsamahan at sa tao na pag-usapan pa ito.

Sinabi naman ni Bea sa Tatler interview na sinubukan nilang ayusin ang problema pero hindi na rin nila ito naayos at nagdesisyong huwag nang ituloy ang kasal.

Maaalala ngang na-engage ang dating magkarelasyon noong July 2023 at plano sanang magpakasal ngayong taon.

Habang ang TV host na si Boy Abunda naman ang nagkumpirma ng kanilang hiwalayan sa programa nitong Fast Talk With Boy Abunda.

SPEED, pinagkakatiwalaan!

Alam mo ba kung ano talaga ang nagustuhan ko sa 7th EDDYS o Entertainment Editors’ Choice bukod sa star-studded at hindi raw boring ang programa? ‘Yung paminsan-minsang makikita mo naka-dress up ang mga showbiz editor. Ang sarap makita ‘yung naka-formal dress at suits ang mga member ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors).

Talagang ang sarap sa mata na makita na nag-effort talaga para sa okasyon. Kaya naman talagang eye candy lahat ng members ng SPEEd.

Aside from successful ang okasyon, kitang-kita mo ang tiwala ng lahat sa nasabing organization. Nandun ang respeto at paniniwala nila sa credibility ng SPEEd. Thumbs up, dear Salve, for a job well done. Bongga talaga.

vuukle comment

DOMINIC ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with