^

PSN Showbiz

Julia, nag-umpisa na sa bagong serye!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Julia, nag-umpisa na sa bagong serye!
Julia Montes

Muling magbibida sa isang serye si Julia Montes. Sa ngayon ay hindi pa makapagbigay ng detalye ang aktres tungkol sa bagong proyekto. “As of now wala pa po, surprise! It’s a big project. Very happy and very close to my heart ‘yung project na ‘to. Hopefully kapag pwede naming i-announce isi-share po namin,” nakangiting bungad ni Julia sa ABS-CBN News.

Hindi nagdalawang-isip ang aktres na tanggapin ang bagong serye dahil talagang maganda ang istorya nito. Ang namayapang ABS-CBN executive na si Deo Endrinal umano ang kumausap noon kay Julia upang gawin ang proyekto. “Actually, before ng travel ko and then may meeting kami, magkasama po kami. Pinag-usapan kung kailan and supposedly that was May. And right now, we’re doing it na, starting na po. Bukod sa napakaganda ng proyekto, pinangako ko po ‘yon kay Sir Deo. So, it’s very close to my heart. And the story itself, maraming ita-tackle na hindi madalas nata-tackle. So medyo meron siyang lesson sa bawat isa. ‘Yon ‘yung gusto kong maging part. Hindi lang siya basta-basta series, so ‘yon po ang dapat nilang abangan. Ang hirap, hindi pa po pwedeng i-disclose,” paglalahad niya.

Dapat ay noong isang taon pa raw sisimulan ni Julia ang taping para sa proyekto. “Supposedly last year pa ‘to dapat isu-shoot pero talagang hinintay po nila ako kaya talagang kailangan naming gawin ang proyekto na ‘to and for him (Deo),” pagtatapos ng aktres.

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ngayon ni Anji Salvacion para sa isang bagong acting project. Matatandaang nakaranas ng online bashing ang aktres mula sa netizens dahil sa istilo ng pag-arte sa seryeng Linlang. “I’m so excited ‘coz right now I’m gonna work myself up because I’m gonna prove to myself that I can do better than what I did yesterday. Do’n ko rin natutunan na you’re never gonna win in the internet. Kasi kahit wala kang ginagawa, they always have a way to say something about you,” makahulugang pahayag ni Anji.

Bukod sa pag-arte ay abala rin ang dalaga sa kanta. Sa ilang taong pananatili sa show business ay marami nang pagsubok ang nalampasan ni Anji. “It is overwhelming. Up until now I still get overwhelmed and it’s such a rollercoaster ride. Ang daming ups, ang daming downs, and we can never go in between,” giit ng singer-actress.

Samantala, sa susunod na taon ay nagpaplano si Anji na mag-aral ng kolehiyo. Noon pa raw nangangarap ang aktres na maging isang doktor balang araw. “I will be back. ‘Yung pre-med ko will be nursing because I really want to be a pediatrician,” pagbabahagi ng dalaga. — Reports from JCC

vuukle comment

JULIA MONTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with