^

PSN Showbiz

Ang red carpet sa the 7th EDDYS  

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Bihira ako maisalang sa entablado sa tuwing may event hosting ako. (pero minsan naman, ako ang main host ha!) Madalas ang role ko ay red carpet host. (baka ayaw ako papasukin sa mismong venue!) Aliw naman ako sa ganyang raket, bilang anything goes at ako ang unang makakasalamuha ng mga bisita. (maliban sa may tf naman, kaya aarte ba ako?!)

Nitong nakaraang linggo, naimbitahan ako ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED) na maging red carpet host ng kanilang The 7th Eddys (Entertainment Editor’s Choice)  sa Manila Marriot Hotel. Mahirap tumanggi sa gig na ito dahil si Salve Asis ang Presidente at si Gorgy Rula ang Talent Coordinator. (lagot din ako kay Nay Lolit Solis ‘pag umattitude ako!) Kaya pinaghandaan ko ang Modern Filipiniana theme. Nag-Francis Libiran ako! (Thank you FL, Arsi Baltazar at Sen!)

Isa sa challenge ng mga awards night ay ‘yung mapapunta ang mga malalaking artista. (paano kung mga starlet ang dumating, sila ang i-interview-hin ko?!) In all fairness sa Eddys, naging makinang ang gabi. (hindi salat sa bituin!)

Nakakatawa nang dumating si Film Development Council of the Philippines Chairman Direk Jose Javier Reyes. (presenter ang tito nyo!) Siya ay itinuturing kong mabuting kaibigan na kapag kami ay nagkikitakita ng aming grupo, puro kabaliwan ang pinag-uusapan. (as in walang hum-pay na tawanan!) Pero syempre sa event na ito kailangan ko namang magtanong ng matinong tanong sa kanya. (bilang ginagalang sya sa industriyang ito!)

Love ko rin si Ms. Nova Villa. Hindi kami close pero nakasama ko sya noon sa isang sitcom sa TV5 at nakita ko ang kanyang pagmamahal sa trabaho. (throwing of lines palang, kabisado na at uma-acting na!) Kaya super congratulate ako sa kanya bilang isa sya sa Icon Awardees. (dasurv!)

Feeling close naman ako kina Senator Bong Revilla at Congresswoman Lani Mercado (bongga sa kanyang Rajo Laurel gown!) bilang mga alaga sila ni Nay Lolit. (kaya feeling ko belong ako!) Hindi matatawaran ang pagmamahal nila sa showbiz, kaya naman, mahal din sila ng industriya. (ako ba mahal?!)

Sinigurado ko namang maayos ang tanong ko kay Veteran Broadcast Journalist Korina Sanchez na Joe Quirino Lifetime Achievement Awardee. (baka kasi ma-award ako ni Madame!) Reynang reyna siya sa kanyang Puey Quinones gown. (na 2 days lang daw ginawa!) Inamin nyang feeling “old” sya sa recognition nyang ito, (wala naman sa itsura!) pero malaking karangalan para sa kanyang karera. (walang makakapigil sa isang Korina!)

First time ko namang ma-interview si Julia Montes. (ang takad pala nya sa personal!) Mag-isa syang rumapa sa red carpet. Hindi ko na tinanong kung bakit. (baka sugurin ako ng Probinsyanong Batang Quiapo!) Congratulations wagi syang Best Actress! (ka-tie si Charlie Dizon na absent that night)

Inabangan din syempre ang pagdating ng Power Couple ng Philippine Showbiz na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera (na saksakan ng ganda na parang may dalang divine intervention sa kanyang Jo Rubio gown!) Masarap kausap ang mag-asawa sa tuwing nai-interview ko. (mukang masarap din si Dingdong…maging kaibigan!) Wagi sila bilang Box Office Heroes ng gabi. (ask nyo pa si Hero Angeles!)

Ang pinaka-highlight talaga ng gabi ko sa red carpet ay ang makausap muli si Enchong Dee. (bilang mahal ko sya!) Sa tuwing nai-interview ko sya, wala akong kaabog-abog na nagsasabi na may espesyal syang puwang sa puso ko. (na mukhang ok naman sa kanya!) Baka nga ako ang lucky charm nya dahil wagi siyang Best Supporting Actor. (nagfi-feeling lang ako mga ateng!)

Ilan lamang sila sa mga nakasalamuha ko sa red carpet. Mapapanood ang kabuuan ng The 7th Eddys sa Linggo, July 14, 10pm sa ALLTV. (EDDY…ako na!)

(Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )

 

vuukle comment

EDDYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with