^

PSN Showbiz

Coco, may good news sa mga mahilig sa libre!

Pilipino Star Ngayon
Coco, may good news sa mga mahilig sa libre!

MANILA, Philippines — May good news ang Primetime King na si Coco Martin para sa mga Kapamilya nating mahilig sa ‘libre’ dahil mapapanood nang libre kahit saan mang sulok ng bansa ang mga kinagigiliwang serye at pelikula sa mas pinalakas na iWantTFC, the home of Filipino stories.

Bilang bagong ambassador ng Libreng Manood sa iWantTFC, labis na nasisiyahan si Coco na maging katuwang ng iWantTFC sa pagbibigay ng libreng saya sa ating mga kababayan hatid ang wide selection ng free-to-stream titles na mapapanood mapa-cellphone man, computer, o sa TV.

“Sa bawat Pilipino, ito ang libangan natin. Ito ang nakakapag-refresh sayo at nakakapag-relax ka. Hindi mo na kailangang lumabas. Ida-download mo lang, nasa cellphone at TV mo lang, nandyan na agad,” saad ni Coco sa kanyang panayam sa ABS-CBN News.

Aniya, swak din ito sa mga nais balikan ang mga na-miss nilang episode ng mga paborito nilang programa, pati na rin ang mga classic teleserye at pelikula na tumatak sa mga manonood.

“Napakarami pang choices sa iWant­TFC. At kung gusto mong balikan ang mga favorite mong pelikula o teleserye, anytime nababalikan mo,” dagdag niya.

Kabilang sa nationwide campaign nila ang pagpapaskil ng mga billboard, jeepney ad, digital placements, at interactive installations kung saan ibinibida si Coco at ang mensaheng “Kahit kailan, kahit saan sa Pinas, sa iWantTFC, libre!”

Bilang treat sa kanyang mga tagahanga, libreng mapapanood ang lahat ng episodes ng hit action serye niyang FPJ’s Batang Quiapo, pati na rin ang complete seasons ng long-running teleserye na FPJ’s Probinsyano, at ilang movie hits niya gaya ng Ang Panday, Beauty and the Bestie, Feng Shui 2, at Padre de Familia sa All Coco selection ng iWantTFC.

Para naman sa mga nais mauna sa mga kaganapan sa Pamilya Sagrado at High Street, mapapanood naman nang advanced ang new episodes nito sa iWantTFC, 48 hours bago ito umere sa TV.

Libre ring mababalikan ang ilang Star Cinema hits, tulad ng Hello, Love, Goodbye, Love You to the Stars and Back, Alone/Together, Dalaw, at The Breakup Playlist, pati ang digitally restored classics na Got 2 Believe, Oro, Plata, Mata, at Sa Aking Mga Kamay.

Mapapanood din anytime ang kinagigiliwang original shows exclusively sa iWantTFC, tampok ang Drag You & Me, Tara, G! Teen Clash, Malaya, Glorious, Sleep With Me, The Boy Foretold by the Stars, Fractured, Ma, The Tapes, at marami pang iba.

Bukod pa rito, pwede ring makibalita hatid ang mga nagbabagang mga balita sa TV Patrol at live stream ng TeleRadyo Serbisyo. At mas pasayahin ang panonood anytime sa Kapamilya variety shows na It’s Showtime at ASAP Natin ‘To.

Bumisita lang sa iwanttfc.com?o i-download ang official app na available sa iOS at Android.?

Mapapanood din ang iWantTFC sa mas mala­king screen sa piling devices. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with