^

PSN Showbiz

Available sa ABS-CBN Entertainment YouTube Can’t Buy Me Love at Linlang, libre nang napapanood abroad sa YouTube

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Available sa ABS-CBN Entertainment YouTube Can�t Buy Me Love at Linlang, libre nang napapanood abroad sa YouTube
Can’t Buy Me Love.
STAR/ File

Umabot na ang kilig at gigil fever sa United States at Canada dahil napapanood na dito ang Can’t Buy Me Love ng DonBelle at Linlang ng KimPau sa pamamagitan ng ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Pumatok sa mga manonood ang nakakakilig na kwento ng Can’t Buy Me Love at pinanggigigilang mga rebelasyon sa Linlang pagkatapos itong umere sa primetime nitong taon.

Pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang Can’t Buy Me Love na tungkol sa komplikadong pagmamahalan ng dalawang tao pagkatapos nilang magkakilala dahil sa isang insidente ng kidnapping.

Sa mystery-thriller series na Linlang nina JM De Guzman, Paulo Avelino, at Kim Chiu, umiikot ang kwento nito tungkol sa pagtataksil pagkatapos madiskubre ng isang laos na boxer na niloloko siya ng kanyang asawa at sarili niyang kapatid.

Ilan lamang ang Can’t Buy Me Love at Linlang sa mga programa ng ABS-CBN na available sa ibang bansa sa YouTube bilang parte ng layunin ng kompanya na maghatid ng saya at inspiras­yon sa mga Kapamilya sa iba’t ibang parte ng mundo.

vuukle comment

LILANG

YOUTUBE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with