^

PSN Showbiz

Sparkle, nagbabala sa fake email sa Gala!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nagbigay ng babala ang Sparkle GMA Artist Center sa publiko tungkol sa fraudulent emails na nag-aalok ng imbitasyon sa GMA Gala 2024.

“We have been informed of fraudulent email replies circulating that falsely claim to offer RSVPs to the GMA Gala event. These email correspondences are not legitimate. Please do not respond or provide any personal information. For any questions or concerns, please contact our official channels directly. Stay vigilant and protect your information,” pahayag nito sa isang post kung saan ipinakita nito ang fake email na may label na ‘FAKE’ na aakalain talagang legit.

Mukhang marami ang naloko o muntik maloko sa nagpapadala ng mapanlinlang na email. Marami nga kasi ang gustong maranasang rumampa o makita ang mga iniidolo nilang Kapuso celebrities sa GMA Gala kaya naman hindi masisisi ang napaniwala ng mga ito.

Talaga ngang pinaghahandaan ito ng mga Kapuso celeb at ang ilan nga sa kanila ay pinost na ang pagsusukat nila ng kanilang outfit para sa Gala gaya nina Pokwang, Elijah Alejo, Rere Madrid, Jak Roberto at marami pang iba.

Sigurado kasing kaabang-abang ang mga susuotin nila sa event at pabonggahan ang mga ito lalo na sina Marian Rivera at Heart Evangelista.

Kaya huwag basta-basta maniniwala sa mga nakikita sa social media.

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with