^

PSN Showbiz

Heart, dinidibdib ang mga masasamang pangyayari

Pilipino Star Ngayon
Heart, dinidibdib ang mga masasamang pangyayari
Heart Evangelista.
STAR/ File

Nasa ‘busy era’ talaga ang Kapuso Global Fashion Icon na si Heart Evangelista sa kasalukuyan dahil bukod sa mga commitment niya sa abroad sa kabi-kabilang international fashion shows, may bagong tungkulin na rin siya bilang president ng Senate Spouses Foundation Inc.

Natanong nga ang misis ni Sen. Chiz Escudero ng GMANetwork.com kung paano niya pinapanatiling kalmado ang sarili sa kabila ng pagiging abala at mga pagsubok na dumarating sa kanya.

“How do I remain to be who I am? I’m just really grateful kung anong meron ako and sa lahat ng mga taong naka-surround sa akin,” sagot nito.

Dinidibdib din daw niya tuwing may masamang nangyayari sa kanya pero “I also take it as something that will keep my feet on the ground,” dagdag niya.

Madalas ngang mag-trending ang mga content na ginagawa niya online kaya nag-e-enjoy raw talaga siya sa pagiging content creator.

Maaalala ngang sinabotahe raw siya kamakailan kung saan ni-report diumano ang kanyang pinost na daring photos na kanya namang tinanggi.

Nagpasalamat siya noon sa kanyang followers na nagbabala sa kanya dahil nabahala raw ang mga ito nang mawala ang Instagram Reel na humakot na ng million views noon. Pero pinakalma niya ang mga ito at sinabing “hindi natin kailangan ma-haggard.”

Samantala, inanunsiyo rin kamakailan na pang-apat siya sa Top 20 global celebrities sa fashion and sportswear ng isang fashion report ng isang cloud-based performance benchmar­king software kung saan kabilang din ang It’s Showtime host na si Anne Curtis.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with