^

PSN Showbiz

Luis, bagong rumble master

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Luis, bagong rumble master
Luis Manzano
STAR/File

Mananatiling Kapamilya ang Pambansang host na si Luis Manzano matapos niya muling pumirma ng kontrata sa ABS-CBN nitong Martes kasabay nang pag-anunsyo ng kanyang bagong game show na Rainbow Rumble.

Ibinahagi ng award-winning host kung bakit patuloy siyang ‘Forever Kapamilya,’ “Para sa akin kaya sobrang importante na mga maging ‘forever Kapamilya’ is nararamdaman mo na nandiyan kayo para sa isa’t isa. And the word is already there Kapamilya.

“Siguro I would like to think that at the very challenging times of ABS-CBN, I was there, nandoon ako. At the same time, noong ako ay dumaan sa napaka-challenging points ng buhay ko, hindi bumitaw o hindi nawala ang tiwala sa akin ng ABS-CBN. And that is why I’m proud to say that I am forever a Kapamilya,” dagdag niya.

Ayon pa kay Luis, labis siyang napapasalamat sa patuloy na pagtitiwala ng mga boss ng ABS-CBN sa kanya.

“Basta sabihin Luis may bagong kang gagawin, it shows ‘yung tiwala. Napakalaking bagay na kahit per project lang na nandoon ‘yung tiwala ng ABS-CBN,” ani niya.

Samantala, ni-reveal din sa event ang panibagong game show na mamahalin ng manonood na Rainbow Rumble kung saan magsisilbing ‘Rumble Master’ si Luis.

Para kay Luis, ito na raw ang pambato ng ABS-CBN para ibenta abroad. “We have waiting for a show na pwede natin ibenta abroad so naniniwala ako na ito ‘yung show na ‘yun. It is one of the shows na kapag sinimulan natin ito bubuhos ang tawag para mag-inquire kung paano magfranchise ng show.”

Nang tanungin siya sa pagkakaiba ng Rainbow Rumble sa game shows saad niya, “Ang Minute To Win It ay skill-based game, Ang I Can See Your Voice ay singing contest, ito mas trivia tayo. Sobrang ganda ng feedback ng Pot Luck ng It’s Your Lucky Day’na grabe yung tuwa ng tao whether it could be sa tamang sagot o sa maling sagot. So for Rainbow Rumble there’s a component na talino, booksmart, may streetsmart, may game of chance and luck also.”

vuukle comment

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with