^

PSN Showbiz

Sinu-sino ang tatanghaling pinakamagagaling sa Entertainment Editors’ Choice?

Pilipino Star Ngayon
Sinu-sino ang tatanghaling pinakamagagaling sa Entertainment Editors’ Choice?
Janine Gutierrez at Ogie Alcasid
STAR/File

MANILA, Philippines — Ngayong Linggo na, July 7, magaganap ang pinakaaabangang 7th The EDDYS o ang Entertainment Editors’ Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Magkakaalaman na kung sinu-sino ang mga karapat-dapat na tanghaling pinakamagagaling sa mga nominadong pelikula at mga artistang nagmarka at lumikha ng ingay nitong nakalipas na taon.

Itatanghal ang Gabi ng Parangal para sa ika-7 edisyon ng The EDDYS sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts sa Pasay City, na muling ididirek ng aktor at award-winning filmmaker na si Eric Quizon.

Mapapanood naman ang kabuuan ng awards night sa delayed telecast nito sa ALLTV sa July 14, 10 p.m.

Magsisilbing host ang itinanghal na Best Actress sa 6th EDDYS na si Janine Gutierrez (para sa pelikulang Bakit Di Mo Sabihin?) kasama ang Kapuso Millennial It Girl na sina Gabbi Garcia at movie at TV actor Jake Ejercito.

May espesyal namang pagtatanghal sa 7th EDDYS ang award-winning singer na si Jed Madela pati na ang Ultimate Singer-Songwriter at TV host na si Ogie Alcasid.

Isang pasabog na production number din ang hatid ng mga drag queens na Rampa Reynas at ng mga promising young artists na sina Elisha Ponti at Andrea Gutierrez.

Ang veteran radio-online personality namang si Mr. Fu ang magiging host sa Red Carpet ng awards night.

Maglalaban-laban ang limang de-kalibreng pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at online platform noong 2023.

Ang Brightlight Productions ang line producer ng awards night sa July 7, 2024.

Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts at ALLTV, kasama pa rin ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Telecom bilang major sponsor.

Katuwang din ng grupo ngayong taon ang Beautéderm ni Rhea-Anicoche Tan, Unilab, Frontrow, Kat Corpus Atelier, Sen. Chiz Escudero, Sen. Bong Revilla, Camille Villar, DILG Sec. Benhur Abalos, Sen. Nancy Binay, I Fern, former Ilocos Sur Governor Chavit Singson, Emelette Gorospe, Rowena Gutierrez, Kamiseta at ang Echo Jam.

Ang annual event na ito na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema.

EDDY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with