^

PSN Showbiz

Jessy, ita-try ang gray roles

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Jessy, ita-try ang gray roles
Jessy Mendiola

Balik-showbiz nga at balik-Kapamilya si Jessy Mendiola pagkatapos ng limang taong pamamahinga. Pumirma si Jessy ng bagong kontrata sa Star Magic noong Martes (Hulyo 2).

“I feel very special. Hindi ko in-expect na ganun karami ‘yung nagmamahal sa akin. I wasn’t expecting na babalik ako (sa showbiz). I’m just really happy and grateful to be back home. ABS-CBN has always had my back,” pag-amin ni Jessy sa kanyang Forever Kapamilya contract signing.

Pagbabahagi pa niya sa kanyang pagbabalik, “‘Yung gusto ko pa na ma-try na ibang roles kasi before I’ve been doing sensual roles and drama. Magfo-focus ako na ma-hone ‘yung acting ko and mag-try ng gray roles, kontrabida, or mother roles.”

Hangad rin niya na makatrabaho ang asawang si Luis Manzano, ang biyenang si Vilma Santos, Piolo Pascual, at Joshua Garcia.

Full-support din ang asawang si Luis sa pagbabalik-showbiz ng kanyang asawa. Aniya, “Meron pa siyang passion pa rin. I think that would help her as an individual, kapag nagagawa niya ang gusto niya. If it completes who she is, makatutulong rin ito sa pagiging maybahay niya sa akin at sa pagiging mom kay Peanut. Masaya siya eh. Nagagawa niya kung ano ang nasa puso niya.”

Dumalo sa contract signing ang ABS-CBN executives na sina COO Cory Vidanes, Star Magic head at Entertainment Production head Laurenti Dyogi, at ang handler ni Jessy sa Star Magic na si Alan Real.

Sa nakalipas na 17 taon, bumida na si Jessy sa ilang hit Kapamilya series tulad ng Sabel, Budoy, Paraiso, Maria Mercedes pati na rin ang mga pelikula ng Star Cinema tulad ng The Trial, The Reunion, at Call Center Girl. Kinilala rin ang kanyang husay sa pag-arte sa paggawad  sa kanya ng awards na German Moreno Youth Achievement Award ng FAMAS Awards noong 2012 at Best Asia Pacific Star sa 5th Asia Pacific Actors Network (APAN) Star Awards sa South Korea.

Maari naman mapanood ang buong Forever Kapamilya contract signing ni Jessy Mendiola sa YouTube page ng Star Magic.

 

vuukle comment

JESSY MENDIOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with