May nanawagan din kay PBBM...Leonardo Dicaprio, nakialam na sa paninira sa Georeserve
May panawagan at pakiusap ang award winning Hollywood actor at environmental advocate Leonardo DiCaprio kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ito ay ang protektahan ang Masungi GeoReserve sa Baras, Rizal.
Naka-tag nga si Pres. Bongbong sa post ni Leonardo kalakip at photos at video ng GeoReserve.
“Masungi is a lush montane rainforest landscape outside of Manila, the bustling capital of the Philippines. In the late 1990s, much of Masungi was illegally deforested. Local communities fostered the development of the @masungigeoreserve, spurring efforts to restore this precious ecosystem. From these conservation initiatives, trees were able to grow taller, wildlife numbers slowly increased, and more locals became involved in protecting this ecosystem.
“Now this success is in jeopardy, as the Department of Environment and Natural Resources threatens to cancel the agreement that protects this area from prolific land grabbing activities. This cancellation would set back the success of an internationally acclaimed conservation effort and leave the area vulnerable again to mining, logging, and illegal developments,” unang bahagi ng post ng mahusay na actor.
Dagdag niya pa: “Join local rangers in calling on President @bongbongmarcos to intervene and continue to protect Masungi. Conservation successes like Masungi serve as a reminder that the Philippines can become a leader in sustainability, eco-tourism, biodiversity protection, and climate action. Protect Masungi Georeserve - link in bio.
“Photo credit: Renz Perez for Masungi Georeserve Foundation - [Left to right] Monica Inonog, John Paul Magana, and Kuhkan Maas lead a team of forest rangers, tasked with protecting critical areas plagued by illegal activities inside the Masungi Georeserve.
“Video credit: Kal Joffres.”
Kaagad namang nagpasalamat ang mga celebrity sa ginawang panawagan ni Leonardo na dinaig pa ang mga local artist na mas enjoy mag-post ng mga idol nilang Korean pop kesa pigilan ang ganitong pagkasira sa GeoReserve.
Dahil sa nasabing post, aware na ang marami tungkol dito.
Si Leonardo ay may 61.7 million followers.
Habang sinusulat namin ito ay wala pang sagot ang account ni PBBM.
Ang Masungi Georeserve, isang mahalagang conservation area, ay nahaharap sa malalaking banta mula sa mga proyekto sa pagpapaunlad at mga ilegal na aktibidad, sa kabila ng kritikal na papel nito sa biodiversity conservation at ecosystem restoration.
- Latest