^

PSN Showbiz

Luis, handa na sa pulitika

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Luis, handa na sa pulitika
Luis Manzano

Muling pumirma ng eksklusibong kontrata si Luis Manzano sa ABS-CBN. Ayon sa TV host ay kakaibang game show ang malapit nang mapanood ng mga tagahanga. “Ito, iba talaga, plus the format. It’s not simple na Minute To Win It or mga singing contest na nakikita natin. Ito ‘yung talagang gusto ko na format na trivia. Itong Rainbow Rumble kasi, people might get intimidated na iniisip nila na pang-genius. Kasi may mga game show tayo dati na dapat talaga genius ka. May mga difficult questions tayo, tricky questions, nakakatawang questions. Kung ano ang mapupunta sa iyo, doon papasok ang game of chance o ‘yung swerte mo. Swertehan kung ano ang tanong na mapunta sa iyo,” pagbabahagi ni Luis sa ABS-CBN News.

Matatandaang si Luis din ang naging host ng It’s Your Lucky Day na pansamantalang pumalit sa It’s Showtime noong isang taon. Dalawang linggo lamang umere ang naturang programa noon kaya umaasa ang TV host na muli itong magbabalik. “Wishing na matuloy, pero may mga bagay na kailangang unahin ng ABS-CBN,” dagdag ng aktor.

Samantala, kung mabibigyan ng pagkakataon ay posibleng sumabak na rin si Luis sa mundo ng pulitika. “Ready na rin naman ako sakaling tumakbo, but knowing kung ano ‘yung mayroon ako ngayon, my priorities ano ang kailangang gawin kung sakaling bumukas na ‘yung pinto na ‘yan, mas kino-consider ko nang tumakbo. Kasi dati kaya kong magbigay ng sagot na ‘hindi pa.’ Ngayon it’s more of pwedeng tingnan natin, pwede na,” pagtatapat ng TV host.

Rachel, nasubukang mag-extra

Kasalukuyang naninirahan ngayon sa New York City si Rachel Alejandro. Aminado ang singer-actress na talagang ibang-iba ang pamumuhay sa Amerika kumpara sa Pilipinas. “’Yung wala kang network of people na kunyari magka-problem meron talagang madali lang tawagan or tutulong sa ‘yo, a doctor for example. Of course talagang nakaka-miss ‘yung family. I would say pinakamahirap because hindi ako sanay na mahiwalay sa Alejandro family in the Philippines,” nakangiting pahayag ni Rachel.

Kasama ng singer ang asawang si Carlos Santa Maria sa Amerika. Magkatuwang ang mag-asawa sa mga gawaing-bahay ayon kay Rachel. “I’m happy to announce na very domesticated naman itong asawa ko. I think his mom taught him well. Meron kaming kanya-kanyang assignment sa bahay. Siya ‘yung dishes, laundry, ako naman ‘yung nagluluto. And I have to say na since hindi natin nakasanayang maglinis, of course ‘yung mga basic punas-punas na ganito (ako ang gumagawa) pero ‘yung mga deep clean, I still ask someone to come in,” pagdedetalye ng singer-actress.

Naranasan na rin ni Rachel na maging ‘extra’ sa Amerika ilang taon na ang nakalilipas. Masayang karanasan para sa aktres ang pangyayaring ito. “Sinubukan ko talaga how it is to be a background actor which means extra. Adjustment ‘yon kasi hindi naman ako sanay na I’d never done work like that in the Philippines. It was on a TV show called The Good Fight on CBS. But I wanted to experience all of that. And I wanted to know what is like to be on set with these well-known actors. ‘Yung talagang napapanood ko lang sa mga series. It was a good experience kasi I learned so much from them and I was just in awe,” kwento niya. — Reports from JCC

 

 

vuukle comment

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with