^

PSN Showbiz

Goma, ayaw makialam sa offer kay Juliana

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Goma, ayaw makialam sa offer kay Juliana
Goma at Juliana
STAR/File

Si Cong. Richard Gomez mismo ang nagkumpirma na kinukuha nga si Juliana Gomez na maging co-host sa bagong programa ng TV5 hosted by Willie Revillame.

Naka-chika namin si Cong. Richard sa katatapos na 2024 Pina Festival ng Ormoc City na laging inaabangan ng Ormocanons.

“Gusto ni Willie. Hindi ko sinabi kay Juliana na, ‘Huwag.’ Hindi ko sinabi sa kanya na, ‘Sige.’ Sabi ko, ‘Meet with them and talk to them. Then, kung type mo at magustuhan mo…’

“It’s really up to her to decide kung ano ‘yung gusto niya,” umpisa ni Cong. Goma.

Tulad nga ni Mayor Lucy Torres, ayaw ring makialam o impluwensyahan ng daddy ni Juliana sa kanyang magiging decision.

“Tumawag si Willie sa akin. Tapos sabi ko, ‘Willie, sino ang contact person mo?’

“Tapos ‘yun, nag-meeting sila. So sabi ko, ‘It’s really up to you to decide. Ikaw ang bahala kung ano ang gusto mong gawin.’”

Papayag kaya si Juliana?

“Kung gusto niya, kaya niya ‘yun.”

“Wala pang sinasabi sa akin. At hindi ko pa rin tinatanong,” dagdag pa ng kongresistang aktor na walang pakialam sa mga namimintas sa kanyang long hair.

Basta, aniya susuportahan niya ang anak, kahit ano pang desisyon nito.

“Hindi nga. Sabi ko, ‘Bahala na kayong mag-usap kung ano ang mangyari sa inyo!’”

May isang girl kasing pinakikita sa teaser ng programa na naka-fencing at ang hula ng lahat si Juliana ‘yun.

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with