^

PSN Showbiz

Jessy, five years nawala!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jessy, five years nawala!
Jessy Mendiola
STAR/File

Magbabalik na si Jessy Mendiola sa paggawa ng mga proyekto sa bakuran ng ABS-CBN. Noong Martes ay muling pumirma ng kontrata ang aktres sa Kapamilya network. “Grabe, kinabahan ako, hindi ko alam kung bakit. Five years akong nawala,” nakangiting bungad ni Jessy sa ABS-CBN News.

Nang tumigil sa paggawa ng teleserye at pelikula ay sa kanyang YouTube channel naging abala ang aktres. Hindi inakala ni Jessy na makababalik pa sa ABS-CBN mula nang magkaroon ng sariling pamilya. Madalas na naibabahagi ng aktres sa YouTube kung ano ang kanyang buhay bilang asawa ni Luis Manzano at ang pagiging ina sa anak nilang si Peanut. “Parang tinanggap ko na hindi na ako babalik and that’s okay with me. Kasi I am really happy with of course, my family. Talagang hindi ko in-expect and I am really, really grateful. Tinangap nila ako after a very long time. I think dito naman talaga, this is my home. It feels good to be back,” giit niya.

Malaki ang pasasalamat ni Jessy sa pamunuan ng Kapamilya network dahil sa patuloy na pagtitiwala sa kanyang kakayahan. “I feel very special. Hindi ko in-expect na ganoon kadami ang nagmamahal sa akin. Grabe ‘yung support system ko. It’s been five years since my last big event. ABS-CBN has my back at palagi akong inaalagaan. And Star Magic hindi pa rin talaga nagbabago ang alagaan. It’s never too late to chase your dreams. Finally, natupad ‘yung dream ko na magkaroon ng family. Ngayon ‘yung dream naman ni Jessy and itutuloy ko,” makahulugang pahayag ng aktres.

Ryan, matagal pinagplanuhan ang mapapangasawa

Isang taon pa lamang na magkasintahan sina Ryan Bang at Paola Huyong. Kamakailan ay nag-propose na ng kasal ang It’s Showtime host sa non-showbiz girlfriend. “One year na kami. After six months naging kami, naisip ko na. Siyempre sobra ako kinabahan. Grabe tibok ng puso ko. Birthday ng kuya niya. ‘Yung last year kasi June 20, may na-upload kami vlog sa Pop-up store niya. Ngayon may coffee shop siya, baby niya. First store, I wanted to propose there. Kunyari nagba-vlog, closing spiels ako, siya. Tapos habang nag-spiels ako, lumuhod na ako. Pagharap niya may singsing na,” kwento ni Ryan.

Matatandaang naipakilala ng It’s Showtime host sa mga magulang na nakabase sa Korea ang dalaga ilang buwan na ang nakalilipas. Naibahagi rin ni Ryan sa kanyang Instagram account ang tungkol sa naganap na ‘pamamanhikan’ noong isang buwan. Ayon sa binata ay talagang naramdaman niya kay Paola ang labis na pagmamahal kaya itinuturing na ‘the one.’ “Ang buhay natin up and down. Na-realize ko mga pinagdaanan namin. May masayang moments, ‘yung travels. Grabe din paano ako tinanggap, ng pamilya ko, walang judgment. ‘Yung family ko, ‘yung culture ko, pagkatao ko. Ramdam mo siya na pang habambuhay mo kasama,” pagtatapat ng binata. (Reports from JCC)

vuukle comment

JESSY MENDIOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with