^

PSN Showbiz

Ang Pababantay ng Balota ni Marian Rivera

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Agad-agad na pumayag si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera last week na mag-guest sa online show na-ming Marites University. (walang arte-arte ha!) Halos matulala ang staff namin pagdating nya sa set bilang mga bagets pa ang mga ito at ngayon lang nakita ng personal si Marian. (parang may aparisyon sa ganda ang ate mo as usual!)

Nakapag-host na ako ng ilang mga presscon nya at nagkikita sa ilang mga showbiz events pero syempre mas nakakasama niya ang mga kasama ko sa show na sina Ambet Nabus, Jun Nardo at Rose Garcia. (si ate mo Rose ang kumarir sa guesting ng dyosa!)

“Hindi naman ako makakahindi sa inyo. Maliban sa inyo, Mr.FU at Ambet, syempre itong si Rose! At si Jun! Mga nakasama ko ‘yan nung nagsisimula pa lang ako,” Paglalahad ni Marian. (‘di nakakalimot si ateng!)

Isa sa naging sentro ng usapan namin ng Box Office Queen ay ang kauna-unahan niyang Cinemalaya entry na Balota.  Tinanggap daw niya ang proyekto dahil sa ganda ng kwento at dahil sa direktor nitong si Kip Oebanda. (may entry din ako ha, Bayota!)

“Bago ko rin talaga tanggapin ito, nag-one on one kami ni Direk. Tinanong ko kasi sa kanya, saan nanggaling itong kwento na ito? Ba-kit mo naisulat ito? Bakit ako ang gus-to mong gumanap nito? Dun palang sa mga tanong na ‘yun, nasagot na nya ng tama nung araw na ‘yun.  Wala akong dahilan para mag-say no, “pagbabahagi ni Marian. (bakit ‘di ako tinanong ni Direk?!)

‘Di naman masyadong dinetalye ni Marian kung bakit sya ang napili ni Direk na maging bida na isang teacher na nag-volunteer para mapangalagaan ang balota ng taumbayan. “Basta hindi raw pwede ‘yung teacher na mahinhin, na hindi palaban pero gusto ng tao.  Y’ung characteristic na ‘yun ang kailangan, kasi may mga fight scene. Ang dami kong fight scene dito e. So, kung umaarte ka lang at hindi ka marunong mag-fight, parang kita kasi on-screen. So, gusto nya ng fight talaga, harsh kung harsh talaga.” (may bardagulan pala ito?!)

Wala raw silang pinanggayahan ng karakter. Basta nag-usap sila ni Direk sa magiging atake sa role. “Kung saan sya nanggaling, ano ang flashback nya, ano ang pinanggagalingan nya, anong pamilya meron sya. Kasi may anak ako dyan. Medyo talandi sya ng konti dyan. Walang asawa.” (pasok ako sa malanding karakter!)

Excited syempre ang asawa nyang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa proyekto nyang ito, kahit pa medyo nag-aalala si mister sa mga eksena nya.  (natatakot din ako, Dong! Yakapin mo ko!)

“Sabi nya kasi sa’kin, kilala kita, ‘di ka magpapa-double. Sabi ko sa kanya, hindi! Kaya ko! Pero bawat uwi ko may pasa at sugat ako!” Pagkukuwento ni Marian. (pero sya ang pinakamagandang sugatan!)

Pero hindi raw masyadong nagbibigay ng detalye si Marian kay Dingdong sa mga nangyayari sa shooting dahil gusto nya itong i-surprise. “Gusto ko mapanuod nya, actually, konting picture lang ipinapakita ko. Hindi ko ipinapakita lahat kasi gusto ko makita ‘yung reaksyon, gusto ko sya makita kung ano ‘yung mga reaksyon nya. “(may pasabog ang reyna sa hari!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patre-on: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with