^

PSN Showbiz

Sumugod sa High Street...Andrea, delulu sa Korean actor

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Sumugod sa High Street...Andrea, delulu sa Korean actor
Andrea Brillantes

Todo ang pagka-faney ni Andrea Brillantes sa Korean actor na si Kim Soo Hyun.

Kahapon ay may reel video siya na ipinapakitang napansin siya ng actor nang magsuot siya ng wedding dress sa ginanap nitong fan meeting sa Manila.

May eye contact daw sila at nag-wave back sa kanya.

At delusional daw ba siyang tiningnan siya nito.

Well, at least pareho na sila ni Nay Lolit Solis.

Ganundin ang ginawa ni Kim Soo Hyun nang tumili si Nay Lolit ng “I love you” nung unang dumating ng bansa si Kim Soo Hyun, years ago.

Nag-wave back din ito at super ngiti that time kay Nay Lolit.

Xyriel Manabat at Elijah Canlas

Ilang beses na siya actually na nag-fan meet sa Pilipinas at lahat ng mga nanood, nababaitan sa Korean actor.

Say ni Andrea sa caption ng kanyang reel “All my delulu interactions with the king of tears bilang isang queen of delulu.”

Samantala, usap-usapan online ang pasabog na special trailer ng Kapamilya teleseryeng High Street kung saan tampok ang kaliwa’t kanan na rebelasyon na dapat abangan sa mga susunod na episode.

Sa naturang trailer, ipinasilip ang matitinding eksena at kabilang dito ang pagsugod ni Sky (Andrea Brillantes) sa lugar kung saan nakakulong ang kapatid niyang si Z (Daniela Stranner). Ang hindi alam ni Sky, nasa matin­ding panganib na pala ang kanyang buhay dahil balak na siyang tapusin ng magkapatid na sina William at Tori (Mon Confiado at Dimples Romana).

Nakatutok na rin ang viewers para sa matagal na nilang inaasam na muling pagkikita nina Roxy at Archie (Xyriel Manabat at Elijah Canlas). Pero mukhang mas lalong magkakalabuan ang dalawa dahil magmamakaawa si Archie kay Roxy na bigyan siya ng second chance na maging parte ng buhay ng kanyang mag-ina.

Delikado rin ang relasyon nina Tim at Poch (Zaijian Jaranilla and Miggy Jimenez) dahil nakatakdang makipaghiwalay si Poch kay Tim dahil sa patung-patong na problema.

Bukod dito, palapit na nang palapit si Gino (Juan Karlos) sa katotohanang maaaring magbago ng kanyang buhay dahil natuklasan niyang may posibilidad pala na hindi siya ang totoong anak ng kriminal na si William.

Maililigtas kaya ni Sky si Z? May second chance pa kaya ang relasyon nina Roxy-Archie at Tim-Poch?

May matitinding rebelasyon sa High Street gabi-gabi ng 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

vuukle comment

ACTRESS

ANDREA BRILLANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with