^

PSN Showbiz

Sue, pasok na sa bagong mundo!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sue, pasok na sa bagong mundo!
Sue Ramirez

Puspusan ang ginagawang paghahanda ni Sue Ramirez para sa Little Shop of Horrors. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakagawa ang aktres ng isang stage musical. Si Karylle Tatlonghari ang makakahalinhinan ni Sue para sa karakter ni Audrey sa naturang stage play. Sina Nyoy Volante at Rab Atadero naman ang maghahalinhinan para sa karakter ni Seymour. Mapapanood ang Little Shop of Horrors simula July 6 hanggang 28 sa Maybank Performing Arts Theater. “Itong theater bagong mundo na naman for me and who would’ve thought that now that I’m turning 28, at this age, na makakapasok pa pala ako sa ibang mundo. Parang feeling mo laging dead end na kasi tumatanda ka na. Pero hindi, grabe sobrang dito ko na-realize na wow, ang dami ko pa palang pwedeng gawin,” paglalahad ni Sue.

Suportado ng kasintahang si Javi Benitez ang lahat ng ginagawa ng aktres. Abala ang binata bilang Mayor ng Victorias City sa Negros Occidental kaya nakararanas ang magkasintahan ng LDR o long distance relationship. “Medyo LDR kami kasi nasa Negros si Mayor. We’re both very busy right now. He’s so supportive. Theater requires a lot of time. It’s everyday rehearsals, Monday to Friday and busy din siya so nag-iintindihan kami in a way. Sanay na din naman kami kasi we’ve been apart for a long time. We both want to achieve a lot more things,” pagbabahagi ng dalaga.

Dingdong, takot sa lovelife ni Jayda

Nagkaroon ng espesyal na ugnayan sina Jayda Avanzado at Darren Espanto ilang taon na ang nakalilipas. Ayon sa dalaga ay hindi niya noon ipinaalam sa amang si Dingdong Avanzado ang tungkol sa kanila ni Darren. “Yes, there was a thing (sa amin ni Darren). To be honest though, I don’t think I actually ever directly talked about it then sa kanya. Siguro ngayon na lang napag-usapan, dito pa talaga mapapag-usapan. Pero when it comes to things like that with my dad and I, there’s always this kind of like unspoken things. I guess from a parent and a child that sometimes I don’t even have to tell him. He just kind of knows, then later on we do eventually talk about it as time passes,” nakangiting pagbabahagi sa amin ni Jayda sa Fast Talk with Boy Abunda.

Malaki naman daw ang tiwala ni Dingdong sa kanilang nag-iisang anak ni Jessa Zaragoza. Nasaksihan umano ng OPM singer na mayroong mga nagtangkang manligaw kay Jayda na napaatras dahil sa mga katangian ng dalaga. “You know what Boy, honestly, that alone, I think they’re more intimidated sa kanya eh. That’s how I look at it. The boys now, mas intimidated sa kanya. Siguro sa umpisa mag-a-attempt, pero after a while they’ll probably have second thoughts. Because she’s got a strong personality, she’s got a good head above her shoulders. So, I believe I trust her that she would choose well. Siyempre normal ‘yon that you will get to meet boys. Then they’ll like each other, basta sinasabi ko lang sa kanya, ‘Know your responsibilities, your priorities, and enjoy life,’” nakangiting kwento ni Dingdong.

Maraming naging kasintahan si Dingdong bago pa nakilala si Jessa. Matatandaang isa si Rufa Mae Quinto sa nakarelasyon ng singer noon. Aminado si Dingdong na nakararamdam ng takot sa mga posibleng mangyari sa buhay pag-ibig ni Jayda. “Oo naman, siyempre. I think any dad magsisinungaling kapag hindi sila concerned sa anak nilang babae. Ako, looking at my past, ‘yung sinasabi nilang ‘pambayad utang’ or whatever, I don’t let that take over. Whatever it is kasi may kanya-kanya naman talagang buhay ‘yan. Pero ako, I make sure na kinakausap ko si Jayda. I always present to her ‘yung mga perspective ng guy. Para alam din niya what runs to a guy’s head, ‘di ba? Gano’n lang ‘yon,” natatawang pahayag ng  singer. — Reports from JCC

vuukle comment

SUE RAMIREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with