^

PSN Showbiz

Jericho, Janine, at Jodi may showdown Lavender Fields patok sa fans, nakakuha ng 10M views

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Jericho, Janine, at Jodi may showdown Lavender Fields patok sa fans, nakakuha ng 10M views
Excited na ang netizens sa anila’y pasabog na acting showdown sa pangunguna ng mga bida nitong sina Jolina Magdangal, Jericho Rosales, Janine Gutierrez, at Jodi Sta. Maria kasama ang Philippine drama icons na sina Albert Martinez, Edu Manzano, at Maricel Soriano.

Patok na agad sa mga manonood ang upcoming ABS-CBN teleseryeng Lavender Fields matapos humakot ng higit sampung milyong views sa social media ang teaser videos nito at nakapasok din sa top trending topics noong Hunyo.

Excited na ang netizens sa anila’y pasabog na acting showdown sa pangunguna ng mga bida nitong sina Jolina Magdangal, Jericho Rosales, Janine Gutierrez, at Jodi Sta. Maria kasama ang Philippine drama icons na sina Albert Martinez, Edu Manzano, at Maricel Soriano.

Sa mga video na inilabas ng ABS-CBN ng script reading at look test ng serye, ipinasilip sa unang pagkakataon ang mga batuhan ng linya ng cast pati na rin ang magiging itsura ng kanilang mga karakter na may suot na mga bonggang outfit.

“Nakakatuwang experience ang first script reading because we didn’t know what to expect. Everybody brought something different to the table. I am proud to be working with these brilliant actors who will breathe life to the characters that shape the story of ‘Lavender Fields,’” post ni Jodi sa Instagram na may kasamang mga litrato mula sa look test.

Naiintriga na rin ang mga manonood dahil bukod sa nagsisilbi itong unang action-drama series ni Jodi, first-ever kontrabida role naman ni Janine, at ang pagbabalik-teleserye nina Jericho at Jolina makalipas ang ilang taon, natatakam na rin silang mapanood ang dating mga child star na sina Jana Agoncillo, Krystal Mejes, Miguel Vergara, at Marc Santiago.

Kasama rin sa Lavender Fields sina Justine Luzares, Pamu Pamorada, Thou Reyes, Benj Manalo, Cheena Crab, Biboy Ramirez, Bernard Palanca, at Lotlot De Leon. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Emmanuel Q. Palo at Jojo Saguin.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with