^

PSN Showbiz

Dennis Trillo kinairitahan sa sagot sa ABS-CBN

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Dennis Trillo kinairitahan sa sagot sa ABS-CBN
Dennis Trillo at Jennylyn Mercado

Nag-trending kahapon si Dennis Trillo.

Ito ay matapos siyang mag-comment ng “May ABS-CBN pa ba?”

Sa isang comment nga ay sumagot ito ng ganun sa tanong na  “Kuya dennis sana masagot mo ito bakit wala si ma’am Jen sa GMA STATION ID at totoo ba na lilipat na siya sa ABS CBN?”

“May ABS pa ba?” sagot ng actor na dating Kapamilya.

Ang ingay nga ng intrigang aalis na si GMA 7 si Jennylyn at lilipat na ng network.

Kaya si Dennis sana ay kinukulit ng fans.

Pero palaban ang actor. Sunud-sunod ang resbak niya na kinairitahan ng netizens :“Eto ulit oh, may ABS pa baaaah????”

“Screenshot niyo ulit!!!”

“Wala akong pake [kung sugurin ako ng mga Kapa­milya].”

“Iba ang Star Records, sa ABS, o abs cbn.

“Bye mga ngetpa.”

“Desisyon ka, may reklamo ka? Tanong lang po, TikTok mo ba toh.”

Aside from Dennis trending din dahil dito ang ABS-CBN.

Walang sinasabi kung totoong lilipat ba sa ABS-CBN si Jennylyn from GMA 7.

Pero ang ending, sinasabing hacked daw ‘yung account ng actor.

Anyway, baka lang daw walang alok na contract ang GMA sa actress kaya ganun ang lumalabas.

Hindi na nga raw ngayon uso ang exclusive contract sa mga network lalo na ang guaranteed contract na kahit walang trabaho ay sumusuweldo.

Baka nga raw walang alok na renewal of contract si Jennylyn sa GMA kaya pikon din si Dennis.

vuukle comment

DENNIS TRILLO

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with