^

PSN Showbiz

David, ayaw mag-share ng lovelife!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
David, ayaw mag-share ng lovelife!
David Licauco.
STAR/ File

Nanibago si David Licauco sa paggawa ng pelikula. Magbibida sina David at Barbie Forteza sa That Kind of Love na mapapanood na simula July 10. Nasanay umano ang aktor sa paggawa ng mga teleserye. “Magkaiba ang shooting ng movie at teleserye. Sa movie kasi maraming shots. I think nagkaroon kami ng adjustments when it comes to shooting. When it comes to roles naman, similar lang naman ‘yung acting, depende din sa scripts,” paliwanag ni David.

Nararamdaman ng aktor ang suportang ibinibigay sa kanya ni Barbie sa trabaho. Ilang proyekto na rin ang pinagtambalan ng dalawa. “I reciprocate the support she is giving. Hindi naman niya kailangan but she still does it. So, I appreciate that. I really value Barbie as a friend and co-worker. Hindi naman ako masyado napi-pressure dahil napakagaling ni Barbie na actress. Walang pressure, I’m super happy. Marami akong natututunan sa kanya,” pagbabahagi ng binata.

Samantala, pagdating sa pag-ibig at relasyon ay hindi raw dapat ibinabahagi lahat sa publiko para kay David. Hanggang maaari ay pinapangalagaan ng aktor ang kanyang pribadong buhay. “I’m not saying I’m single. For sure nakikita n’yo sa social media. It’s just that what you see is what you get. I don’t want to disclose anything. Kasi it’s private life na. I don’t want to share,” giit ng aktor.

Charlie, nanginig ang tuhod sa ginawa ni Carlo

Ikinagulat ng mga tagahanga ang pagpapakasal nina Charlie Dizon at Carlo Aquino nito lang June 9. Ayon sa aktres ay sa Thailand pa nag-propose ang aktor Abril noong isang taon. “’Di ko in-expect na magpo-propose siya do’n kasi wala pa kaming one year no’n,” pahayag ni Charlie sa Metro.Style.

Noon pa man ay maayos ang pakikitungo ni Carlo sa buong pamilya ng aktres. May pagkakataong binisita ng aktor ang mga mahal sa buhay ni Charlie sa Amerika. “Before din do’n na-meet na rin naman ni Carlo ‘yung family ko. Like actually, nagsabi pa lang siya na manliligaw siya. Pumunta siya sa U.S. mag-isa. Tapos pumunta siya sa family ko no’n. Do’n siya nagsabi na balak niyang manligaw. So no’ng una, ‘yon pa lang. Tapos big­lang next year, nag-propose,” nakangiting kwento ng aktres.

Sa isang fine dining restaurant sa Bangkok nangyari ang engagement nina Charlie at Carlo. “Actually, no’ng sinabi niyang fine dining, do’n lang ako napa-dress. Kasi feeling ko, baka hindi ako papasukin. So kaharap ko ‘yung best friend (ni Carlo), pagtingin ko, nakaluhod na siya so ‘yon pala magpo-propose siya. So hindi ako makapaniwala. Akala ko nag-‘yes’ agad ako. Tapos hindi pa pala. So parang sabi niya, ‘So anong sagot?’ sabi niya. ‘Kasi lahat ‘to alam na ng lahat, don’t worry.’ So, do’n ko sinabi, ‘Oo naman!’ Akala ko nag-‘yes’ talaga ako in my mind. So parang sobrang taranta ko. As in sobrang nanginig ‘yung tuhod ko, gano’n ‘yung feeling,” pagdedetalye ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

DAVID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with