^

PSN Showbiz

Andrea, inalok ng kasal si Kim Soo-Hyun

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Andrea, inalok ng kasal si Kim Soo-Hyun
Andrea Brillantes.
STAR/ File

Nag-tren­ding ang pagsuot ng aktres na si Andrea Brillantes ng bridal costume nang pumunta siya sa fan meet ng Korean actor na si Kim Soo-hyun.

Nag-viral nga ang litrato nito na pinost niya sa kanyang social media na naka-all white na bridal costume.

Ipinost nito ang kanyang patikim na mga preparasyon sa pupuntahang event. Makikita sa mga post niya ang litrato kasama ang kanyang glam team na may caption na “Big Day today” habang kasunod nito ay litrato ng puting damit niya at kamay niya na may malaking bato ang singsing.

At doon nga pinost niya na ang Oppa na bida sa Queen of Tears na si Kim Soo Hyun na may caption na “Hi hubby… HUBBY???”

Tila napakalapit nga ng pwesto nito sa stage ng venue ng fan meet ng aktor dahil binabalik nito ang flying kiss ng aktres.

Kaya naman lutang ang saya ng dalaga sa kanyang pagpunta roon. Makikita pa sa litratong ipinost niya na naka-finger heart ang aktor kagaya niya. Kaya caption niya “What a night. we love you!!!”

Hindi ito ang unang beses na nag-trending ang pagpunta niya sa concert o meet and greet.

Maaalalang gumawa rin ito ng eksena sa concert ng BLACKPINK kung saan ginawa niya ang ‘promposal’ para sa Star Magical Prom noong mga panahong iyon para sa ex niyang si Ricci Rivero.

Tinulungan pa siya ng isa sa miyembro nito na si Rosé at sinabing “Please go to prom with that girl.”

Hindi rin siya nagpakabog nang um-attend siya sa The Eras Tour ni Taylor Swift kung saan nagsuot naman siya ng kakaibang costume na fries at may bitbit na bag na burger, at may nauuso pa siyang sisiw na clip sa buhok.

Kabog din ang suot niya sa pagpunta niya sa Coachella kung saan may litrato sila ng anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin.

Kaya talagang binabantayan ng netizens ang galaw niya. Bongga.

vuukle comment

ANDREA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with