^

PSN Showbiz

Goin’ Bulilit, mapapanood na sa ALLTV

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Goin� Bulilit, mapapanood na sa ALLTV
Goin’ Bulilit, File
STAR/ File

Magbabalik na ang kinagiliwang kiddie gag show ng ABS-CBN na Goin’ Bulilit, sa pangunguna ng FPJ’s Batang Quiapo star na si Baby Giant at It’s Showtime kids na sina Argus, Kulot, Imogen, Jaze, at Kelsey sa pinakabago nitong season na mapapanood simula Hulyo 1 (Lunes) sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, ALLTV, A2Z, at iWantTFC.

Ibinahagi ni Baby Giant, na gumaganap bilang Oweng sa FPJ’s Batang Quiapo, na tinuturing niyang blessing ang mapasama sa iconic Kapamilya show. Nagpahayag din siya ng pasasalamat kay Coco Martin sa pagpayag nitong mapabilang siya sa bagong season ng Goin Bulilit.

“Sabi niya (Coco) na para sa akin ito. Super supportive po siya sa akin. Super thankful po ako mapasama sa ‘Goin Bulilit.’ Para po sa akin, ito po ay isang big opportunity,” sabi niya.

Makakasama niya rito sa Goin Bulilit ang It’s Showtime kids na sina Argus, Jaze, Imogen, Kulot, Kelsey, Enicka, at Briseis. Mapapanood din ang iba pang future child stars na sina Ahmad, Calvin, Clave, EJ, JC, Jeremiah, John, Jordan, Lucas, Ludwig, Miguel, Rhys, Scott, Stanley, Stephen, Tyrone, Wardell, Alessandra, Alondra, Alynna, Amarah, Ayesha, Chastity, Dani, Elisha, Elle, Erin, Fae, Graciela, Kylie, Kendall, Mais, Mary, Miho, Nashrifa, Scarlet, Sebreenika, Selena, Sheerina, Stephanie, Valerie, at Zoe.

Lubos naman ang kasiyahan ng Goin’ Bulilit director at creator na si Direk Bobot Mortiz sa muling pagbabalik ng show sa online at free TV.

“Nakakatuwa naman at maraming excited na mga bata kasi ang tagal din nawala ng Goin’ Bulilit. Siguro hindi natuloy noon, kasi heto na talaga ‘yung tamang oras,” sabi niya sa isang panayam sa TV Patrol.

Nagbabalik din naman sa bagong season ng show ang mga iconic segment tulad ng Ano Daw?, Noon at Ngayon, Good News, Bad News, at GB Patrol.

Panoorin din ang spoof nila sa seryeng Batang Quiapo na pinamagatang Baby Quiapo at talk show spoof naman sa Magandang Buhay na may titulong Magandarang Buhay.

Abangan naman ang pagbisita ng mga dating miyembro ng cast na sina Nash Aguas at Mika Dela Cruz sa unang linggo ng Goin’ Bulilit.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with