Pasabog performances ng BINI, tampok sa ASAP...
Mapapanood ang mga nakamamanghang performance mula sa Nation’s Girl Group BINI ngayong Linggo (Hunyo 30) sa ASAP Natin ‘To sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Balikan ang Grand Pantropiko performance ng BINI kasama sina AC Bonifacio, Chie Filomeno, Darren Espanto, Maymay, Gela Atayde, Joao Constancia, Jameson Blake, Jeremy Glinoga, Ken San Jose, at Race Matias. Hindi natatapos kasiyahan dahil mapapanood din ang performance nila ng kanilang hit song na Salamin, Salamin.
Abangan ang star-studded cowboy-themed performance nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Vina Morales, Kim Chiu, KZ Tandingan, Yeng Constantino, Janella Salvador, Jeremy Glinoga, Alexa Ilacad, Jona, Klarisse De Guzman, AC Bonifacio, Bituin Escalante, Frenchie Dy, Jolina Magdangal, Jason Dy, Gela Atayde, at Joao Constancia pati na ang mga dance group na G-Force, Ignite, at MNVRS Ignite.
Samahan muli ang dance royalties na sina Joshua Garcia, Kyle Echarri, Darren, Jameson, Joao, Jeremy, AC, Ken, Gela, kasama ang G-Force, Legit Status, at Ignite, para sa isang ultimate dance performance tampok ang mga astig na OPM song. Huwag palampasin ang pasabog na clash dance number nina Vina, Chie, at Anji Salvacion, kasama ang D’ Grind.
Mababalikan din ang surprise collab performance ng Stupid In Love mula kay Alexa at international singer-songwriter na si Max. Sundan naman ito ng matinding sayawan mula sa BGYO.
Isang makabagbag-damdaming performance mula sa singer-songwriters na sina Yeng Constantino, Nyoy Volante, KZ Tandingan, Ice Seguerra, KD Estrada, Kice, at Fana ang mapapanood ngayong Linggo.
- Latest