^

PSN Showbiz

Mayor Lucy, walang alam kung papasok sa TV5 si Juliana mga alagang may caucus...

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mayor Lucy, walang alam kung papasok sa TV5 si Juliana mga alagang may caucus...
Mayor Lucy Torres-Gomez
STAR/ File

Walang idea si Ormoc Mayor Lucy Torres kung totoong magiging co-host ni Willie Revillame si Juliana Gomez sa programang Wil to Win na malapit nang mapanood sa TV5.

May pakita kasing silhouette girl na naka-fencing pose sa mga naglalabasang teaser nito.

Mabilis ang sagot ni Mayor Lucy nang makausap namin sa Ormoc City Hall noong isang araw : “I do not know. Ask her na lang.”

Aniya, hinahayaan nilang mag-decide si Juliana sa gusto niyang gawin.

“We tell Juliana naman, whatever offers there are, and whatever she decides to do with the offers, we really tell her to be the one, siya ‘yung magdedesisyon kung gusto ba niya o hindi.

“Huwag niya kaming isipin, na dapat gawin or hindi dapat gawin. It’s up to her.

“Whatever feels right for the heart, that’s what I tell her. Sabi ko, ‘It has to rest easy in your heart.’”

Samantala, hanggang ngayon 27 inches pa rin ang waistline ni Mayor Lucy.

In fact, ‘yun daw mga damit niya nung single siya hanggang ngayon pwede pa rin niyang suotin.

Super diet ba siya?  “Hindi naman very restrictive. I eat everything. Moderation lang, balance. And then I exercise. Siguro three to four times a week,” kuwento ni Mayor Lucy.

Pero hindi siya kumakain ng chicken.

Ang rason : “Chicken, I don’t eat chicken. Naging kaibigan ko sila nung pandemic.”

Hanggang ngayon? “Oo, I lost all ano for chickens... para silang pet ba,” paliwanag ng magandang misis ni Cong. Richard Gomez.

Kung aso nga ang pet ng karamihan, manok ang alaga ng pamilya Gomez sa loob ng bahay.

Marami pa rin kayong alagang chicken sa bahay? “Marami pero wala naman silang mga pangalan. It’s just that they’re there. And when chicken is served, its body parts ba so… At saka mababait sila na hayop, eh. I don’t say hindi mabait ‘yung baboy kaya laging kinakain, no. Ewan ko lang, ‘yung chicken kasi namin sa bahay nangingitlog kung saan-saan,” dagdag pa niya.

Sa loob ng bahay ito? “Oo kasi open lang naman ‘yung house so they choose. If they see a big basket, dun sila mangingitlog, sa kanila na ‘yung basket na ‘yon,” kuwento pa niya sa ilang entertainment press na dumalo sa ginaganap na Pina Festival dito sa Ormoc.

‘Yung itlog kinakain n’yo? “Hindi. Kaya nga ang dami naming chicken kasi hina-hatch din naman siya. ‘Yung iba I think kinakain.”

At hindi na raw nila ginugulo ‘pag alam nilang mangingitlog na ang mga ito.

“Pag nakita ni Richard ‘yon na nangingitlog na, sasabihan niya na kami lahat ‘Oh huwag n’yo itong guluhin.’ So lalagyan niya ‘yan ng pampalambot pa para hindi mabasag ‘yung shell hanggang sa mag-hatch siya. And then maririnig mo lang na… May incubator pa siya.”

Ilan na, Mayor, ‘yung chicken n’yo ngayon?

“Ay hindi ko na mabilang sa rami. And I’m sure ‘yung iba kinakain din naman ng mga tauhan sa bahay.”

Bukod sa mga manok, meron pa silang ibang alagang mga hayop sa bahay na kung ituring nila ay mga tao talaga.

Like aso, bago nila pagsama-samahin, pinaghaharap muna nila para mag-assembly. Ganundin ang baboy.

“’Yung mga hayop sa bahay, ‘pag may mga bagong entry, magco-caucus muna sila. Magmi-meeting muna sila ni Richard. May mga general assembly sila like nung dumating ‘yung mga bago naming aso, maliliit, si Amihan at si Habagat. Nung dumating sila, galit si Xander, ‘yung malaki naming dog, so ang ginawa ni Richard, pinagtagpo niya muna sila, ngayon friends na sila.”

Dagdag niya pang kuwento : “‘Yung baboy din, nung dumating din si Ham-let before, pinag-caucus din niya ‘yon muna kay Xander, kung ano pa ‘yung mga hayop namin. Nagsimula lang ‘yon sa dalawang pagong (turtle). Ngayon lima na ‘yung bao and then may gansa kami. And then merong turkey, pabo, na lumaki siya with the gansa. So ang feeling niya gansa siya, doon siya nakikibarkada sa mga gansa. And then may baboy na dumating, si Hamlet at saka si Bobby.”

Pati bubuyog nagkalat din sa paligid ng bahay nila.

“Oo, may bubuyog. May bubuyog daw pwede kang dumaan… kasi ang bubuyog free lang sila sa bahay. The colony is distributed all over Ormoc. Maraming colonies dito sa iba-ibang parts. And then ‘yung bees pala… they sting but they only sting if they only know that you fear them. So ‘pag dumadaan ka, ‘pag na-raramdaman nilang kinakabahan ka, tumakbo ka na dahil kakagatin ka talaga. ‘Yun ang sabi ng beekeeper. ‘Yun ‘yung kwento niya so when you approach daw a colony, do not fear, nararamdaman nila.”

Anyway, ang saya ng ginaganap na Pina Festival ng Ormoc kasabay ng kanilang Fiesta.

Kasama sa major highlights ang concert ng grupong ABBA Revisited na umabot sa halos 15,000 ang nanood ng Ormocanons.

Lahat talaga ng greatest hits ng ABBA ay kinanta ng bagong mga member nito.Kabilang mga sikat nilang kanta ang Fernando, Money, Money, Money, SOS, Mamma Mia, Knowing Me, Knowing You, Gimme! Gimme! Gimme! (A Man After Midnight), The Winner Takes It All, Waterloo and of course Dancing Queen.

Talagang kahit si Mayor Lucy ay napasayaw sa mga kanta ng sikat na grupo na mga mas bata na ang miyembro from Canada.

Nauna nang ginanap ang Pina Festival Grand Showdown, Miss Ormoc coronation, and LGU Night 2024 kung saan may special dance number sina Cong. Richard and Mayor Lucy.

Hanggang sa Saturday night ang celebration ng 2024 Pina Festival at kahapon ginanap ang Parade of Lights na Disney ang theme.

LUCY TORRES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with