^

PSN Showbiz

Ate Vi, inendorso ng aktor

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon

In-endorse ng aktor, League of Filipino Actors ang Star For All Seasons Vilma Santos bilang kanilang nominee as Pambansang Alagad Ng Sining para sa Pelikula sa Singing Broadcast. Exciting itong prosesong ito dahil online, nagtatalo ang Noranians at Vilmanians.

Ang tanong, since kasama ang mga National Artist sa pagdedesisyon kung sino ang mga bagong gagawaran ng karangalan, iboboto kaya ni Ate Guy si Ate Vi sa pagka-National Artist?

Bakit naman hindi. Aabangan natin ‘yan!a

Lito, present sa kasal ng anak ni LT!

So, ikinasal na sina Renz Fernandez at Jef Gaitan, at nagkaroon ng reception sa Las Casas, Quezon City. Ninang sina Senator Grace Poe at Cory Vidanes, Isabel Rivas, habang ninong naman sina Paul Cabral, Senators Manny Pacquiao at Lito Lapid.

Nandu’n siyempre ang ina ni Renz na si Lorna Tolentino at may picture sila na kasama si Lito Lapid? Sila ba?

Hindi sila ang ikinasal – sina Renz at Jef!

Mark at Erik, kumislap sa patikim!

Available na ang tickets today para sa 20th Anniversary concert ni Mark Bautista na Mark My Dreams sa The Theater at Solaire sa Aug. 31.

Sa teaser ng kanyang concert, nagkataon lang ba o sinadya na pareho silang nagkikislapan ang suot ni Erik Santos?

Interesting, ‘di ba? Bakit nga ba hindi sila magsama-sama sa isang concert?

Kahit pati si Jed Madela, magsusuot din ba ng shining, shimmering, splendid na outfit? Pakislapan sila!

Magkakaalaman na ang bituing walang ning­ning!

BINI, naungusan na ang BGYO!

Grabe talaga ang lakas ng BINI! Meron silang weekend concerts na sold out, at ‘yung BINI fun run ay dinumog din ng maraming tao.

How to be you po?

Ang top songs sa Spotify sa kanila rin!

Kaya no wonder, ang daming major artists ang nakiki-collab sa kanila. May nag-comment tuloy na parang naungusan na ng BINI ang kapanabayan nilang BGYO. Bakit?

Baka kasi iba ang showmanship ng BINI? At mas nasa tono sila kaysa sa boy counterparts nila? Talaga?

Nakakataquote:

“Magkakabalikan ‘yun, oo. Magkakabalikan ‘yun!” — Senator Robin Padilla on Kathryn Bernardo and Daniel Padilla

vuukle comment

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with