^

PSN Showbiz

MTRCB, tuloy ang pagpapalakas sa pamilyang Pilipino

Pilipino Star Ngayon
MTRCB, tuloy ang pagpapalakas sa pamilyang Pilipino
Ang summit, na ginanap sa Quezon City, ay dinaluhan nina Quezon City Mayor Joy Belmonte, Korina Sanchez-Roxas, DepEd Schools Division Superintendent Carleen Sedilla, Safe Schools Chairperson Dr. Arlene Escalante, at mga kinatawan mula sa National Council for Children’s Television (NCCT) na pinamumunuan ni Chairperson Dr. Luis Gatmaitan. Kasama rin sa seminar si Presidential Communications Office Director III-STRATCOM Sheryll Mundo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Idinaos kahapon ang Responsableng Panonood Family and Media Summit ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para hikayatin ang mga pamilya na maging mapanuri sa paggamit ng media.

Ang summit, na ginanap sa Quezon City, ay dinaluhan nina Quezon City Mayor Joy Belmonte, Korina Sanchez-Roxas, DepEd Schools Division Superintendent Carleen Sedilla, Safe Schools Chairperson Dr. Arlene Escalante, at mga kinatawan mula sa National Council for Children’s Television (NCCT) na pinamumunuan ni Chairperson Dr. Luis Gatmaitan. Kasama rin sa seminar si Presidential Communications Office Director III-STRATCOM Sheryll Mundo.

Ang Summit ay bunsod ng bisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na paigtingin ang media at information literacy sa buong Pilipinas.  “Sa panahon ngayon, napakabilis ang pagbabago ng media landscape. Bilang Chair ng MTRCB at, higit sa lahat, bilang isang ina, nauunawaan ko ang mga hamon na kaakibat ng paggabay sa ating mga anak sa digital na panahon,” sabi ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio sa kanyang pambungad na speech.

“Mahalaga na mabigyan natin ang mga magulang at mga tagapag-alaga ng mga nararapat na mga kagamitan at kaalaman upang magabayan ang kabataan sa responsableng paggamit ng media,” dagdag niya.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin naman ni Mayor Belmonte na ngayon higit kailanman, kinakailangang makasunod ang mga matatanda sa digital na panahon. “Isang malaking hakbang ang talakayan natin dito. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na kaalaman sa mga matatanda, binibigyan natin sila ng kakayahang maging mas mapanuri sa kanilang napapanood at naipapakita sa kanilang mga anak.”

Ipinagdiinan naman ni award-winning broadcaster at TV host ang kahalagahan ng pagmo-moderate at pamamahala ng nilalaman. “Mahalaga na magkaroon ng balanse sa pagitan ng screen time at mga pisikal na aktibidad. Ang uri at kalidad ng nilalaman na pinapanood ng ating mga anak ay may malaking epekto sa kanilang murang kaisipan,” sabi ni Ms. Korina.

Ayon pa kay Chair Lala, dito pumapasok ang Responsableng Panonood campaign. “Naniniwala kami sa MTRCB na nasa puso ng Responsableng Panonood ang pamilyang Pilipino. Bilang pangunahing yunit ng lipunan, sa tahanan unang natututo ang mga bata tungkol sa mundong kanilang ginagalawan. Kung ano ang kanilang nakikita sa telebisyon, online, at sa iba pang anyo ng media ay may iba’t ibang epekto ito sa kanila. Kaya naman, mahalaga na tayo, bilang mga magulang at tagapag-alaga, ay aktibong ginagampanan ang ating tungkulin sa paggabay sa mga bata sa wastong paggamit ng media,” diin pa ni Chair Lala.

vuukle comment

MTRCB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with