^

PSN Showbiz

David, gustong patunayang pambansang ginoo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
David, gustong patunayang pambansang ginoo
David Licauco
STAR/File

Isang malaking karangalan para kay David Licauco na mabansagang Pambansang Ginoo. Aminado ang aktor na nakararamdam ng pressure dahil sa naturang titulo. “It’s a pressured-filled name. ‘Di ko nga alam bakit ako tinawag na Pambansang Ginoo. But of course, kung ano nga ‘yung tawag sa akin. Kailangan ko ipakita na maging good e­xample sa mga tao,” bungad sa amin ni David sa Fast Talk with Boy Abunda.

Pagdating sa pag-ibig at pakikipagrelasyon ay malaki na umano ang nabago sa binata. Ngayong nasa hustong gulang na si David ay sumasagi na rin sa isipan ng Kapuso actor ang pagpapakasal. “Yeah, oo naman. Pero, I think wala pa ako do’n. At 29, mas focused ako now on my career, on my businesses. Kailangang isipin na ‘yung future. When I was younger, kapag maganda, chinita saka masaya kausap. Before kasi, noon ang uso Yahoo messenger so kapag masaya kausap akala mo in love ka na kapag bata ka pa. Before ang feeling ko ang love, ‘di kailangan ng work pero ngayon iba ka na. Feeling ko dapat swak kayo palagi. If it’s hard, goodbye kapag bata ka. Now it’s really diffe­rent. You have to emphatize with your partner. For sure marami kasing problema along the way. Kailangan mong lumaban, kailangan mong intindihin kung saan nanggagaling ‘yung partner mo. Hindi na siya katulad ng dati na, ‘Ah, basta maganda lang, good family background, mabait.’ Now talaga mas naging understanding ako,” pagdedetal­ye ng Kapuso actor.

Bukod sa pagiging aktor ay abala rin si David sa kanyang negosyo. Mayroon ng anim na sangay sa ngayon ang Kuya Korea restaurant na pag-aari ng binata. “I’m very passio­nate with acting. But I think I don’t feel like an artista per se siguro. Kapag artista kasi, parang mataas ka. For me kasi it’s just a job. Kumbaga parehas lang ang trabaho ko sa doktor, attorney. First and foremost, lahat ng kinikita ko dito (sa pagiging artista) ini-invest ko sa business ko.  Malaking tulong din ang fans eh. Kasi palagi silang kumakain kaya super naa-appreciate ko talaga ‘yung fans. Talagang pino-post din nila ‘yung restaurants ko, so talagang kumakalat din siya organically. Siyempre kapag may guesting ako, dinadala ko sa Kuya Korea. Natutulungan din talaga ‘yung negosyo ko,” paliwanag ng binata.

Melai, bagong ‘Comedy Queen’

Mayroong ilang mga nagsasabi na maaari nang tawaging Comedy Queen of this Generation si Melai Cantiveros dahil sa galing nito sa pagpapatawa. Nahihiya naman umano ang ko­medyana sa titulong ibinibigay sa kanya ng mga tagahana. “Thank you so much sa mga nagsasabi. I love you all pero nahihiya ako sa nagsasabi. Sobra akong hiya kasi siyempre ‘di ko naman masabi na ano. Sobra akong happy pero para sa akin siyempre ang dami ko pang dadaanan na mga butas bago ko pa makamit ‘yung mga ganyan,” nakangiting pahayag ni Melai.

May ilang netizens din ang nagrerekomenda na maaaring gawin ng aktres ang remake ng pelikulang Ang Tanging Ina. Para kay Melai ay talagang iniidolo at nirerespeto niya ang nakilalang ‘Comedy Queen.’ “Hindi natin pwede i-bypass kasi siya talaga madaming napatunanyan sa ku-an talaga. Ayan pa sina Ate Pokie (Pokwang), Ms. Eugene Domingo. So kung i-ku-an, why not pero sana wala tayo ma-hurt na ku-an. Gawa na lang tayo sarili natin,” giit ng komedyana. (Reports from JCC)

DAVID LICAUCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with