Cristine, na-scam ng P500,000!
Ahh na-scam din pala si Cristine Reyes.
Umabot daw ito sa P500,000. Na hindi niya lahat pera.
Meron siyang kinolekta sa iba para sana itulong.
Pero nawala.
At sa isang post ay inaalala niya ito.
“Hindi ko lang maalis sa isip ko na malungkot dahil noon 2021 may mga taong lumapit sa akin. Sabi nila may mga bata raw na may malubhang sakit. Hindi ako nag-atubiling tumulong. Lumapit ako sa mga kaibigan at kakilala ko at nakaipon ng mahigit kalahating milyon sa loob lamang ng isang linggo.
“Sa masakit na kapalaran. Wala akong nabalitaan o nakita man lang sa mga batang may malubhang sakit at pilit ko tinatanong kung pwede ko sila mabisita at makita kung saan napunta ang aming naipon noon.
“Nahihiya ako sa mga nagbigay ng donasyon at nalulungkot ako na minsan ay nagamit ako ng mga ibang tao na nagsabing ibibigay nila ang tulong na iyon para sa mga batang may malubhang sakit.
“Para sa mga boss ko, kapwa artista at mga ibang naka-trabaho na nagbigay noon 2021 ng donasyon humihingi ako ng paumanhin. Hindi ko nakakalimutan hanggang ngayon na nagbigay ako ng pangako sa inyo na ipapakita ko kung saan mapupunta ang kabutihang loob ninyo.
“Magsisilbing aral iyon sa akin. Ako ay nag-tanda.
“Maraming tao ang magpapanggap at mang-aabuso. Bahala na sa inyo ang may kapal. Malungkot man isipin na ngayon maliit lamang ang aking naipon para naman sa mga kapwa natin sa NCMH.
“Alam ko malinis ang aking hangarin para tumulong. Kahit maliit lamang ang aming naipon ngayon, okay lang. Kasi itong maliit na salo-salo na ito ay naging masayang araw para sa amin lahat,” ang buong post ni Cristine na finally ay nakaipon na raw ulit at nakabili na sila ng pagkain na kailangan sa NCMH.
- Latest