^

PSN Showbiz

Lea at Dolly, bibida sa teatro

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Lea at Dolly, bibida sa teatro
Lea Salonga

Isang casting coup ang pagsasama nina Lea Salonga at Dolly de Leon sa isang proyekto para sa teatro na Request Sa Radyo starting October 10.  Ang sabi, it transforms the mundane into a powerful exploration of isolation and the human condition.

Would two internationally renowned actresses ring box office phenomenon?

It doesn’t always follow - pero sana!

Alternating daw sila sa dula na one-woman-act. Wala nga bang kantahan ito? Papanoorin ba si Lea nang walang kantahan? Siguro naman. Si Dolly ba makakapuno ng teatro? Dapat naman. Kailangan natin ng ganitong kalakas na energy sa ating entertainment industry!

Buhay na buhay ang live theater productions, di ba? Nagbabayad ang mga tao at lumalabas nang nakabihis - kahit magkano, pero bakit hindi nila ginagawa iyan sa pelikulang Pilipino? Paano kaya natin magagamot ito?

Ronnie, nagpaliwanag

Nagpa-presscon si Ronnie Liang para sabihin na wala siyang kaugnayan kay Harry Roque. Ok na sana ‘yung ganung paglilinaw - pero bakit ganu’n ang pagkakasulat ng kanyang press release? Ang dami raw gustong i say? ‘Yung dapat biyaheng Cubao lang—pero napunta ng Pampanga, nag-short trip to Bicol, dumerecho pa sa Hong Kong? Lalo tuloy naguluhan ang mga tao kung ano ang gusto nitong sabihin - sa rami.

Lesson learned: focus, focus, focus Ronnie!

Marupok ni Maris, x-rated

Totoo bang nabigyan ng X rating ang Marupok AF ni Maris Racal kaya hindi natuloy ang pagpapalabas nito? Bakit? Dahil ba sa masturbation scene ni Maris sa pelikula? Dahil ba sa maselang topic? Ano, dahil ba sa title? Ano ang susunod na steps?

Tapos sa second review daw ay R18 na ito. Bakit kaya? So hindi ito maipalalabas sa SM Cinemas bale? Kailangan yatang ipaalam sa tao ang dahilan para malaman ang rules at standards ng MTRCB, di ba? We’ll see kung paano masosolusyunan ito - lalo pa’t kailangang magtulungan lahat para magkaroon tayo ng hit local film na hanggang ngayon wala pa - since the last MMFF.

7th Eddys, inaabangan ang mananalo

Excited na ang mga tao sa darating na 7th EDDYS sa July 7 sa Ceremonial Hall ng Newport World Resorts! Ipapakita ba nila sa FAMAS kung paano bigyan ng pagpapahalaga at parangal ang mga Icons tulad ni Eva Darren?

Gaano kaya kaiba ang choices ng EDDYS sa mga pinara­ngalan ng FAMAS? At ng PMPC Star Awards for that matter? Aabangan natin ‘yan sa July 7!

Nakakataquote:

“Well, sa panahon po ngayon, wala naman po kasing masama when it comes to enhancing yourself. Hashtag self-love. Kung du’n ka magiging masaya, du’n ka magiging confident, ano naman? Tsaka ang mahalaga, kung may budget ka, ipagawa mo na.”

vuukle comment

LEA SALONGA

SINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with